Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesFrancis M, kakanta para kay Leni kung nabubuhay pa ito ayon kay...

Francis M, kakanta para kay Leni kung nabubuhay pa ito ayon kay Saab Magalona

Inalala ni Saab Magalona ang kanyang ama na si legendary Filipino hip-hop artist Francis Magalona sa ika-13 taon simula ng pumanaw ito.

Sa kanyang tweet, ibinahagi ni Saab na mayroon isang kandidato ang hinihingi ang kanilang basbas upang gamitin ang kanta ni Francis M. para sa kanyang kandidatura ngunit tinanggihan nila ito dahil sa ang gusto nilang maging pangulo ay si Vice President Leni Robredo.

“Before the filing of candidacy, a presidential aspirant asked if they could use this FrancisM song for his campaign. My mom and I discussed. We wanted Leni but she hadn’t announced her candidacy yet.” ani Saab.

“She was thinking maybe it was still a better candidate than Marcos or Duterte. I advised her against it. Sabi ko tatakbo si Leni. Fast forward to today.” dagdag niya pa.

Naniniwala rin daw si Saab na pipiliin ng kanyang ama na kumanta sa mga campaign rallies ni Robredo kung nabubuhay pa ito.

“If my dad were here, he’d be performing at her rallies,” sabi pa ni Saab.

Ilang followers naman ni Saab ang naging emosyonal matapos mabasa ang tweet niya.

“Thank you Saab. Coming from you this means a lot. Cemented even more as we shared the same name, I was and remain a huge fan of your Dad and his music.” ani vice presidential candidate Sen. Francis “Kiko” Pangilinan.

“Please give your Mom a big hug from me and Sharon. Hugs to you and the family too. It is an honor and a privilege to be fighting this good fight alongside you, your family and the rest of the nation in this epic battle for the soul of the nation.” dagdag pa niya.

Matatandaan na nagluksa ang taumbayan matapos pumanaw si Francis M dahil sa sakit na leukemia.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular