Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesDawn Chang, itinanggi na binayaran siya para suportahan si Robredo: Gusto lang...

Dawn Chang, itinanggi na binayaran siya para suportahan si Robredo: Gusto lang namin ng gobyernong tapat!

Mariing itinanggi ng Kapamilya dancer na si Dawn Chang na binayaran sila upang suportahan nila ang kandidatura ni presidential candidate Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang tweet, ikinalungkot ng dating miyembro ng GirlTrends ang ginagawa ng isang mataas na opisyal na diumano’y nangunguna pa sa paggawa ng mali.

“Minsan kung sino pang nasa mataas na posisyon, siya pa ang nangunguna sa paggawa ng mali. Anong magiging kinabukasan natin kung ganitong klaseng lider ang pipiliin natin,” sabi ni Dawn.

“Huwag nyong insultuhin ang mga Pilipinong pinaglalaban na magkaroon ng gobyernong tapat lalo’t hindi kami bayad.” dagdag niya pa.

tweet mula kay Dawn Chang (thedawnchang)

Matatandaan na sinabi noon ni Cavite 7th District Representative Boying Remulla na binayaran ang ilan sa mga dumalo sa isinagawang rally ni Robredo sa General Trias City.

Ayon kay Remulla ay gumastos ng milyon milyon ang kampo ni Robredo para lamang dumami ang pumunta sa kanyang rally.

“Sa siyudad ng Cavite, may politiko na nagbabayad ng limang daan sa bawat aattend,” ani Remulla sa DZRH.

“Tapos may jeep, tapos meron silang staging area, may t-shirt, may uniporme, kumpleto. Kaya alam mo na hindi indigenous kasi naka-uniporme. Hinahakot eh. Ang uniporme nila, syempre pink. Halatang halata. May mga jeep, may takip ‘yung karatula kasi hindi naman talaga taga-roon,” dagdag niya pa.

READ MORE: Cavite Rep. Boying Remulla, sinabi na binayaran ang mga dumalo sa rally ni VP Leni sa Cavite: “limang daan sa bawat aattend,”

Mariin naman itong itinanggi ng mga tagasuporta ni Robredo at sinabi na sarili nilang pera ang ginamit nila para makadalo sa kampanya ng bise.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular