Friday, September 30, 2022
HomePoliticsVice President Leni Robredo, may mensahe sa mga pari: "Join us in...

Vice President Leni Robredo, may mensahe sa mga pari: “Join us in fighting demons”

Nakiusap si Vice President Leni Robredo sa mga religious leaders sa Bulacan na sana’y tulungan siya ng mga ito na labanan ang mga ‘demonyo’.

Sa kanyang talumpati sa Immaculate Concepcion Major Seminary in Guiguinto, Bulacan nitong Marso 5, sinabi ni Robredo na maaring manaig ang pagpapakalat ng maling impormasyon hanggang botohan kaya naman hiniling niya sa mga miyembro ng Simbahang Katoliko na tulungan siya.

“So ang hinihingi po namin sa inyo if you can join us– if you can join us in fighting all the demons that have been hounding us,” ani Robredo.

Naniniwala si Robredo na sapat pa ang mga natitirang araw ng kampanya upang makarating sa mga tao ang mensahe nila.

Ang hiling lang ng bise ay paniwalaan siya ng mga kaparian.

“Pero ang hinihingi lang po namin sa inyo is to be with us in this fight. Pag sinabi po namin na ‘Be with us in this fight,’ hindi lang po kami ‘yung lalaban, pero kayo din, dahil kung kami lang po ‘yung lalaban, in 65 days hindi talaga siya enough,” pakiusap ni Robredo.

Sana rin daw ay pumili ang mga kaparian ng matitinong lider.

“Ito lang po ‘yung pag-asa natin para to bring about the kind of change that we need for our country. Bawat eleksyon po, pagkakataon na reset lahat, and these elections is the biggest reset button,” ani Robredo.

“My appeal to really calling everyone to join us in the next 65 days to make sure that our elections will really be– the results of the elections will really be what will be the best for the country,” dagdag niya pa.

Matatandaan na itinanggi na noon ni Robredo na ginagamit niya ang Simbahang Katoliko para makakuha ng boto sa darating na halalan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular