Monday, October 3, 2022
HomeUncategorizedSoc Villegas, pagdating sa neutrality ng simbahan: "the Church cannot be neutral...

Soc Villegas, pagdating sa neutrality ng simbahan: “the Church cannot be neutral kapag ang pinag-usapan ay good or evil,”

Naniniwala si Lingayan-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na hindi maaring maging ‘neutral’ ang Simbahang Katoliko kung ang pag uusapan ay kasamaan at kabutihan.

Sa kanyang homily, sinabi ni Villegas na lalo lamang lumalakas ang kapangyarihan ng mga mapang-abuso dahil sa pinipili ng ilan na huwag na lamang pumili ng kanilang papanigan.

“When we are neutral and there is an oppression, we end up empowering the oppressors,” ani Villegas.

Sinabi rin nila na kung magiging neutral ang Simbahan ay tila pinapaburan na nila ang masasamang gawain.

“Kapag naririto ‘yung mamamatay-tao, at naririto ‘yung pinapatay, kapag neutral ka, kakampi ka ng mamamatay-tao. Because neutrality, in the face of murder, favors the murderer. Halimbawa, magnanakaw ka at tsaka isang ninakawan. Puwede ka bang neutral doon?” ani Villegas.

“Hindi. Kapag neutral ka doon, pumapanig ka na doon sa magnanakaw. Sapagkat, the moral choice is to defend the victim. The moral choice is to defend human life. Dagdagan pa natin. Halimbawa, naririto ang sinungaling, naririto ‘yung troll, at nandidito ‘yung truth,” dagdag niya pa.

“Nandito ‘yung troll farm, nandito ‘yung truth farm. Neutral ka diyan? Hindi ka puwedeng neutral. Kasi kapag neutral ka diyan, ibig sabihin, hindi mo pinipili ‘yung mabuti. At kapag neutral ka diyan, ibig sabihin isang paa mo, nandoon na sa trolls. Nandoon na sa kasinungalingan,”

Ito rin ang sinabi ni Villegas sa panayam sa kanya Rappler.

“The Church should always be nonpartisan, but the Church cannot be neutral kapag ang pinag-usapan ay good or evil,” paliwanag ni Villegas.

Matatandaan na pinaalalahanan ng Catholic Bishops’ of the Philippines ang mga pari dapat ay maging ‘nonpartisan’ sila pagdating sa mga tumatakbo sa halalan.

“We force on them not the candidates but the values and platforms that are in accord with church teachings, specifically the Catholic Social Teachings and Gospel values,” saad ng CBCP.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular