Monday, October 3, 2022
HomeUncategorizedSaudi Envoy ng Pilipinas, pinauwi dahil sa pangangampanya ng misis kay BBM

Saudi Envoy ng Pilipinas, pinauwi dahil sa pangangampanya ng misis kay BBM

Uwi ang Philippine Envoy to Saudi Arabia na si Adnan Alonto matapos mag viral sa social media ang asawa niya habang ikinakampanya si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa isang video, makikita si Mrs. Alonto na nakikiusap sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Saudi Arabia na sana’y lumabas sila upang bumoto.

Soot soot ni Alonto ang BBM-Sara shirt habang nasa background naman ang mga tarpaulin ng Uniteam.

“Hindi ko alam kung ilan sa inyo ang registered voters,” ani Alonto. “Hihilingin ko lang sa inyo na sana please go out and cast your vote para hindi masayang,” 

“Kung kailangan niyong magpaalam sa amo niyo, baka naman pwedeng anohin na ninyo, medyo… kayong mga chix diyan landiin niyo na ‘yung mga amo niyo,” dagdag niya pa.

Nilinaw naman ni Alonto na hindi niya pinupwersa ang mag OFW na iboto si BBM-Sara.

“Pero kung tatanungin niyo po ako kung sino ang iboboto ko, e nandito po nakasulat po sa t-shirt e kung gusto niyo kong samahan nasa sa inyo po ‘yon,” aniya.

Umabot ng 280,000 views ang nasabing video sa Twitter.

Tila hindi naman nagustuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ginawang ito ni Mrs. Alonto kaya’t pinauwi na nila ito kasama ang kanyang asawa.

“The DFA regularly reminds personnel here and at Foreign Service Posts on the prohibition against engagement, whether directly or indirectly, in any electioneering or partisan political activity. It does not condone acts that go against the Omnibus Election Code, the Overseas Voting Act of 2013 and the Commission on Elections-Civil Service Commission Joint Circular No. 001, series of 2016 [that prohibits partisan activities],” ani DFA Deputy Assitant Secretary For Public and Cultural Diplomacy Gonar Musor.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular