Monday, October 3, 2022
HomePoliticsPing Lacson, nag-aalala dahil sa diumano'y pagsama ng mga miyembro ng CPP-NPA-NDF...

Ping Lacson, nag-aalala dahil sa diumano’y pagsama ng mga miyembro ng CPP-NPA-NDF sa mga rally ni VP Leni

Hindi napigilan ni presidential candidate Sen. Panfilo “Ping” Lacson na mag-alala matapos mapabalita ang pagsama diumano ng mga miyembro ng National Democratic Front (NDF) sa grand rally ni presidential bet Vice Presdent Leni Robredo sa Cavite.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Lacson na nanganganib na masayang ang ginagawa ng gobyerno na tapusin na ang CPP-NPA-NDF kung magkakaroon muli ng coalition sa pagitan ng nasabing grupo at ng susunod na administrasyon.

“This is worrisome. A coalition government with the CPP/NPA/NDF will set back the gains of the government’s efforts to end the country’s decades-old insurgency problem.” ani Lacson sa kanyang tweet.

Inulan naman ng batikos si Lacson sa Twitter na maituturing na balwarte ni Robredo.

Nagbigay naman ng tugon si Lacson at sinabi na ‘masakit ang katotohanan’.

“With all the bashing I’m getting for the “coalition with the CPP/NPA/NDF” tweet I posted earlier, there must be basis for the age-old quote – ‘truth hurts’. I care for my country that continues to suffer from the longest running insurgency in the world. I just want it to end.” saad niya.

Matatandaan na ibinulgar ni Cavite 7th District Rep. Crispin “Boying” Remulla na may ilang miyembro ng NDF na sumama sa grand rally ni Robredo sa nasabing probinsya.

“Ang dami nilang mga estudyante, mukhang mga aktibista… Kaliwa, mga trained ng NDF (National Democratic Front)… May dalang mga bandera pero pink,” saad ni Remulla.

Sinabi din nito na binayaran ang ilan sa mga dumalo ng 500 at hindi rin daw lahat ng pumunta sa rally ay taga Cavite.

Sa siyudad ng Cavite, may politiko na nagbabayad ng limang daan sa bawat aattend,” ani Remulla sa DZRH.

“Tapos may jeep, tapos meron silang staging area, may t-shirt, may uniporme, kumpleto. Kaya alam mo na hindi indigenous kasi naka-uniporme. Hinahakot eh. Ang uniporme nila, syempre pink. Halatang halata. May mga jeep, may takip ‘yung karatula kasi hindi naman talaga taga-roon,” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular