Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesNadine Lustre, kontra sa tulay na itatayo para sa Siargao Island: "Secret...

Nadine Lustre, kontra sa tulay na itatayo para sa Siargao Island: “Secret Beach should be preserved”

Pinalagan ng aktres na si Nadine Lustre ang plano ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magtayo ng tulay papunta sa Secret Beach sa Malinao.

Sa kanyang Instagram story, sinabi ng aktres na naninirahan na ngayon sa Siargao na maaring masira ng nasabing proyekto ang kalikasan.

Naniniwala rin ito na mawawalan ng tirahan ang ilang residente na madadaanan ng nasabing tulay.

Dahil dito ay hinikayat niya ang mga residente doon na hadlangan ang nasabing proyekto ng DPWH sa gaganapin ng consultation meeting kasama ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“Secret Beach is definitely one of the most peaceful spots in the island. It makes me so sad to know that people are planning to build a bridge that will totally destroy the area. It will also destroy the mangroves, sea grass… disrupting the natural habitat of other species living in this protected area,” ani Nadine.

“The island hasn’t completely recovered from Typhoon Odette… I wish this was more prioritized that anything else,” she added. “Malinao is already beautiful as it is. Secret Beach should be preserved. Please come tomorrow and say NO,” dagdag niya pa.

Screencap mula sa Instagram post ni Nadine Lustre (@nadine)

Ayon sa ilang sources ay aabot ng 144-M ang nasabing proyekto kaya naman may ilan na nagsasabi na sana’y gamitin na lamang ito para sa rehabilitasyon ng isla.

Wala pang komento sa ngayon ang DPWH sa Instagram post ni Nadine.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular