Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesMyrtle Sarrosa, hindi ibubunyag ang kanyang kandidato: "We should just respect the...

Myrtle Sarrosa, hindi ibubunyag ang kanyang kandidato: “We should just respect the choices of each and everyone.”

Ngayong papalapit na ang halalan ay inilalabas na ng mga miyembro ng showbusiness ang kanilang mga pinapanigan na kandidato.

Ilan sa mga nagpakita na ng kanilang suporta ay si Toni Gonzaga na pumanig kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Ogie Diaz na ikinakampanya si presidential bet Vice President Leni Robredo.

Ngunit may ilan din naman na mas pinili na hindi na ibahagi kung sino ang susuportahan nila katulad ng Kapuso artist na si Myrtle Sarrosa.

Sa panayam sa kanya ng mga mamamahayag, ipinaliwanag ni Myrtle na pinili niyang hindi ibahagi ang kulay niya sa politika dahil sa kanyang mga proyekto kasama na dito ang educational show na iBilib.

“The reason why I’m not speaking up in terms of politics is because as an artist of GMA and also, I am hosting iBilib for a month, which is a kids’ show din. So, it made me think,” ani Myrtle.

“Kapag ganito kasi ‘yung nire-represent ko na mga shows, hindi kasi ako p’wede mag-side,” dagdag niya pa.

Hindi naman daw siya kontra sa mga artista na nagbabahagi ng kanilang opinyon sa politika at sinabi niya na nirerespeto niya ang mga iboboto ng bawat isa.

Meron akong opinion but I would rather keep it to myself as I believe that we should just respect the choices of each and everyone.” aniya.

Bago pumasok sa showbiz ay naging presidente si Myrtle ng Sangguniang Kabataan (SK) at galing din siya sa pamilya ng mga politiko.

“My grandfather was a mayor of Barotac, Iloilo for over a decade, my father was the No. 1 councilor in Barotac, Iloilo and I was previously a SK president in Iloilo,” pagbubunyag ni Myrtle.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular