Wednesday, October 5, 2022
HomeUncategorizedKaren Davila, may reaksyon matapos malaman ang kinikita ni Atong Ang sa...

Karen Davila, may reaksyon matapos malaman ang kinikita ni Atong Ang sa E-Sabong: “Mas malala ito sa Jueteng”

Hindi napigilan ng mamamahayag na si Karen Davila na magbigay ng kanyang mensahe sa negosyante na si Charlie “Atong” Ang matapos nitong ibulgar kung magkano ang nakukuha nilang taya kada buwan sa E-Sabong.

Matatandaan na sa imbestigasyon ng senado na pinangunahan ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ay ibinulgar ni Ang na umaabot sa 60 bilyong piso ang dumadaan sa kanilang mga taya kada buwan.

5% dito ay napupunta kay Atong kaya’t umaabot ng 100 hanggang 200 milyong piso ang kinikita nito sa kada araw.

“P1.5 billion ang matitira. One percent ang expenses, more of less nasa mga P900 million, P800 million matitira sa isang buwan,” ani Ang.

READ MORE: Atong Ang ibinunyag na 60-B kada buwan ang natatanggap nilang tayaan sa E-Sabong

Ayon kay Davila ay karamihan ng kinikita ng online sabong ni Ang ay mula sa mga mahihirap na nalululong sa sugal.

Hindi naman daw problema kung ang magsabong ang mayayaman ngunit ang mahihirap ay kailangan protektahan mula dito.

“This is P3B gross monthly income from the lower working class & the very poor. Sino ang lulong sa E-Sabong? Mga karpintero, waiter, security guard, driver, vendor – mga ordinaryong tao. E-Sabong only makes the poor, poorer. Nothing against Mr. Ang,” ani Davila.

If the wealthy choose to gamble away all their money, that’s their problem. But the poor need to be protected from this. E-Sabong is an addiction. Mas malala pa po ito sa jueteng. Those who have less in life should have more in the law. Legislators, do your job.” dagdag niya pa.

 

Tweet mula kay Karen Davila @iamkarendavila

Matatandaan na gusto na ng mga senador na suspendihin ang online sabong dahil sa koneksyon nito sa mga nawawalang indibidwal.

Ngunit ayon sa PAGCOR ay kailangan pa ito ng utos mismo mula sa Pangulo upang pansamantalang matigil ang nasabing sugal.

Sinabi naman ni Ang na mayroon lamang mga personalidad na gustong sirain ang kanyang negosyo dahil hawak niya ang 95% ng mga naglalaro ng online sabong sa Pilipinas.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular