Wednesday, October 5, 2022
HomeUncategorizedKakampinks sinagot ang akusasyon ni Boying Remulla: "Walang hinakot at binayaran sa...

Kakampinks sinagot ang akusasyon ni Boying Remulla: “Walang hinakot at binayaran sa rally”

Mariing itinanggi ng grupong Robredo People’s Council – Cavite ang akusasyon mula kay Rep. Boying Remulla na may mga binayaran ang kampo ni presidential candidate Vice President Leni Robredo kapalit ng pagdalo nila sa grand rally nito.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng nasabing grupo na boluntaryo na lumahok ang mga Caviteño sa nasabing rally na ginanap sa General Trias City.

“Ang paratang na ito ay paghamak at pagyurak sa dignidad ng mga Caviteño at pagmamaliit sa kakayanan ng bawat isa na pumili ng karapat-dapat na mamuno sa susunod na anim na taon sa paniniwalang “HINDI KAILANGAN MAY BAYAD, ANG MGA CAVITEÑO AY TAPAT AT MAY DIGNIDAD,” ayon sa grupo.

Itinanggi din nila na may mga aktibista at mga miyembro ng National Democratc Front (NDF) na dumalo sa nasabing pagtitipon.

“Ang pakikilahok ng mga kabataan sa nasabing rally ay tanda ng pagbangon ng kamalayan na naglalayong maghalal g pinunong tatayo upang isulong ang mga adhikaing huhubog sa mura nilang kaisipan. “ANG KABATAANG CAVITEÑO AY HINDI MO MAIKAKAHON, MARAMI SILA AT IISA LAMANG ANG KANILANG PASYON – MAKATAGPO NG LIWANAG SA NAGDIDILIM NA NASYON.” saad pa nila.

Iginiit nila na resulta ng “bolunterismo” ang dahilan kung bakit naging matagumpay ang nasabing rally sa Cavite.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Remulla tungkol sa pambabatikos na natanggap niya mula sa nasabing grupo.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular