Wednesday, October 5, 2022
HomePoliticsCavite Rep. Boying Remulla, sinabi na binayaran ang mga dumalo sa rally...

Cavite Rep. Boying Remulla, sinabi na binayaran ang mga dumalo sa rally ni VP Leni sa Cavite: “limang daan sa bawat aattend,”

Ibinulgar ni Cavite 7th District Rep. Jesus Crispin “Boying”  Remulla na nakatanggap ng bayad ang ilan sa mga dumalo sa campaign tally ng isang kandidato na ginanap sa kanilang probinsya.

Sa panayam sa kanya sa radyo kinumpirma ito ni Remulla.

Maliban sa bayad ay hindi pa daw mga taga Cavite ang ilan sa mga dumalo sa nasabing pagtitipon.

“Sa siyudad ng Cavite, may politiko na nagbabayad ng limang daan sa bawat aattend,” ani Remulla sa DZRH.

“Tapos may jeep, tapos meron silang staging area, may t-shirt, may uniporme, kumpleto. Kaya alam mo na hindi indigenous kasi naka-uniporme. Hinahakot eh. Ang uniporme nila, syempre pink. Halatang halata. May mga jeep, may takip ‘yung karatula kasi hindi naman talaga taga-roon,” dagdag niya pa.

Naniniwala si Remulla na ginastusan ng kampo ng kandidato ang kanilang rally sa Cavite dahil sa ang probinsya sa may pinakamaraming botante sa bansa.

“Kagabi ginastusan nila ‘yun, siguro mahina-hina ‘yung mga anim hanggang walong milyon. Kasi nga desperado na. Kasi ang survey sa Cavite, 64-15,” aniya.

Kilala rin daw ni Remulla ang ilan sa mga organizer ng rally na diumano’y konektado sa National Democratic Front.

“Ang dami nilang mga estudyante, mukhang mga aktibista… Kaliwa, mga trained ng NDF (National Democratic Front)… May dalang mga bandera pero pink,” saad ni Remulla.

Hindi man binanggit ni Remulla ang pangalan ng kandidato ay marami ang naniniwala na ang rally ni Robredo sa General Trias City ang binabangit nito.

Matatandaan na ang pamilya Remulla ay nakasuporta sa karibal ni Robredo na si presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Wala pang pahayag ang kampo ni Robredo sa akusasyon ni Remulla.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular