Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesYorme Isko may paalala sa mga nangangampanya sa loob ng simbahan: "Hindi...

Yorme Isko may paalala sa mga nangangampanya sa loob ng simbahan: “Hindi lang po kayo ang may ari niyan”

Hindi ikinatuwa ni presidential candidate at alkalde ng Maynila na si Isko Moreno ang pangangampanya ng ilang katunggali niya sa loob ng mismo simbahan.

Sa kanyang talumpati sa Kalinga, sinabi ng pambato ng Aksyon Demokratiko na bilang isang Katoliko ay nasaktan siya dahil sa ginagamit na sa politika ang sana’y lugar na para sa pagdadasal.

“Sana huwag natin gamitin na rally area ‘yung loob ng simbahan. Katoliko rin po kami, hindi lang po kayo ang may-ari nyan, ‘yan po ay pag-aari ng lahat na kasapi ng simbahang Katoliko,” ani Moreno.

“Ewan ko ang opinyon ng taongbayan na Katoliko na ginagamit ‘yung simbahan as rally area. Hindi ko alam sa kanila but ako sa akin, I am offended as a Catholic. Hindi ko alam kung na-o-offend din ang ibang Katoliko,” dagdag niya pa.

Matatandaan na naging usap usapan sa social media ang pagtitipon ng ilang miyembro ng simbahan kasama si Robredo at ang ka-tandem nito na si Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa Cathedral-Shrine and Parish of the Good Shepherd.

Makikita sa mga larawan ang mga campaign materials ni Robredo na nasa loob mismo ng simbahan.

Ngunit itinanggi ni Robredo na ginagamit nila ang simbahan upang maipanalo nila ang eleksyon.

“Tingin ko, ang simbahan hindi naman magpapagamit. ‘Yung simbahan, mas matatag na institusyon ito kaysa sa aming mga pulitiko.” sabi ni Robredo.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular