Monday, October 3, 2022
HomeUncategorizedTumatakbong konsehal sa Iloilo, mas piniling umatras sa kandidatura kaysa suportahan si...

Tumatakbong konsehal sa Iloilo, mas piniling umatras sa kandidatura kaysa suportahan si Marcos: Kay Leni talaga ako!

Isang tumatakbong konsehal sa Barotac Nuevo, Iloilo ang nagdesisyon na umatras sa kanyang kandidatura kaysa sa manatili sa kampo ni presidential candidate Bongbong Marcos.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Jess Cordero Dimafiles na hindi niya maatim na tumakbo sa ilalim ng partido ni Marcos kaya naman ay umatras na lamang siya sa kanyang kandidatura.

“This cause transcends my political career as this election will have a big impact on the future of our children,” ani Dimafiles sa isang video statement.

Tumatakbo sana para sa kanyang pagbabalik bilang konsehal ng Iloilo si Dimafiles sa ilalim ng Nacionalista Party ngunit ang sinusuportahan ng kanyang partido ngayon ay si Marcos.

Dahil dito ay napilitan siya na suportahan si Marcos kahit na ang totoo na gusto niyang maging susunod na pangulo ay si Vice President Leni Robredo.

“In the past few days, I posted on my Facebook account the support for the candidate endorsed by [Nacionalista Party]. Many were surprised, confused, and there were those who were disappointed by us,” aniya.

Umabot pa daw sa punto na hindi siya makatulog dahil sa naalala niya ang ginawa diumano ng ama ni BBM na si dating Pangulong Ferdinand Marcos noong siya ay estudyante pa lamang sa University of the Philippines Visayas.

“I was required by our political leadership to declare public support [for Marcos]. My and my family are known supporters of [Robredo]. It hurt me and my heart, and it made me sleepless for days.” kwento niya pa.

Noong malaman daw ng kanyang mga ka-partido na si Robredo talaga ang gusto niyang suportahan ay inalis na lamang siya sa partido nila dahilan upang umatras siya sa kanyang kandidatura.

Dahil dito ay ibubuhos niya na lamang ang oras niya para ikampanya si Robredo sa Iloilo na kinokonsidera na balwarte ng kandidato ng oposisyon.

“I will focus on campaigning for the president we believe in, who our country needs, because this cause goes beyond my political career. In this election, there will be a great impact to the future of our children,” saad niya.

“Today, I can proudly and openly declare, Kulay Rosas ang Bukas,”dagdag niya pa.

Wala pang tugon ang dating partido ni Dimafelis sa pahayag nito.
 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular