Monday, October 3, 2022
HomeNetizen's VoicePari, pinangaralan ang kapwa niya mga pari na namomolitika: "Iisa lang ang...

Pari, pinangaralan ang kapwa niya mga pari na namomolitika: “Iisa lang ang pwede nating i-endorse, si Jesus Christ”

Isang pari ng Simbahang Katoliko ang usap-usapan ngayon sa social media dahil sa harap-harapan nitong pinaalalahanan ang mga kasamahan niyang pari na huwag mamulitika at mag-endorso ng kandidato sa darating na halalan.

Sa kanyang Tiktok video, ibinahagi ni Father Raffy Quinto ang kanyang mensahe sa mga kapwa niya pari na iisa lamang daw ang maari nilang i-endorso.

“To my brother priests, I just want to give this very short reminder,” ani Quinto “Iisa lang ang candidate na pwede nating i-endorse,” 

“And who’s that? Jesus Christ,” dagdag niya pa.

@fatherraffy Share this to as many priests as you can. Please. #election2022 #eleksyon2022 #priest #presidentengpilipinas #lakasngpinoy #choosewisely #fyp ♬ drama effect background – Not Me

Maiksi man ang naging mensahe niya ay libo libo namang netizens ang pinuri siya dahil sa kanyang pagsunod sa alituntunin ng simbahan.

Isa sa mga netizen na pumuri kay Quinto ay ang manunulat na si Krizette Laureta Chu.

His name is Fr Raffy Quinto and he and his kind will herd back us to the church we are abandoning because of men of cloth like Fr. James Uy Gascon.” ani Chu.

Matatandaan na ni Father Gascon ang pari na hinimok ang kanyang Katoliko na huwag ng magsimba kung hindi sila pipili ng isang matinong lider.

READ MORE: Isang pari, may pangaral sa mga netizens: “Kung di kayo buboto sa matinong kandidato, wag kayong magsimba!”

“This coming elections, itataya ko ang pagka-pari ko. Kung di kayo buboto sa matinong kandidato, wag na kayong magsimba. Pa lector-lector pa sa simbahan, pa quote-quote pa ng bible. Tapos susuporta sa demonyo? Anong klase kayo.” ani Uy-Gascon.

“At handa na rin akong mawalan ng kaibiga kung ganyan din lang.” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular