Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesLeni Robredo, umangkas sa motorsiklo upang makarating sa oras sa kanyang rally...

Leni Robredo, umangkas sa motorsiklo upang makarating sa oras sa kanyang rally sa General Trias

Upang makahabol sa kanyang presidential campaign sa General Trias City nitong Marso 4 ay umangkas na ng motorsiklo si Vice President Leni Robredo.

Sa ilang litrato at video na kumakalat sa social media ay ipinakita ng mga netizens ang diskarte ni Robredo upang hindi siya mahuli sa kanyang talumpati na inaabangan ng libo libo niyang tagasuporta mula sa iba’t ibang lugar sa Cavite.

Makikita sa isang video ang pagsigaw ng mga netizens matapos nilang makita si Robredo na dumating sa venue ng nakasakay sa motorsiklo.

Ang ilan ay maririnig na sumisigaw ng “Leni” bilang pagpapakita ng suporta sa kandidato ng opossiyon.

Ayon sa asawa ng may-ari ng motorsiklo na si Sherwin Abdon ay kinausap daw sila ng security ni Robredo kung maari daw ba nilang mahiram ang motorsiklo nito upang iangkas ang bise presidente dahil sa naipit na sila sa traffic.

Malugod namang tinanggap ng rider ang alok na isakay si Robredo sa kanyang motor.

“Yung mister ko po, nakatayo lang sa may gilid ng kalsada, medyo malapit sa motor niya. Doon po sa may pagawaan ng sidecar kasi po pina-repair po niya ‘yung pang-deliver niya ng videoke. Nandu’n po siya kasi hinihintay po niyang matapos [magawa ang videoke],” kwento ni Mariano.

“Bigla po lumapit ang mga PSG or mga security po ni VP sa motor at tinanong daw po kung kaninong motor ‘yun. Lumapit po ang mister ko at sabi, ‘Sa akin po.’ Tapos tanong daw po nila, ‘Puwede bang mahiram ang motor mo?'” dagdag niya pa.

“Kinikilig pa rin po ang mister ko. Ang dumi pa man rin ng motor namin, nakakahiya kay VP Leni,”

Ayon sa ilang media outlet ay umabot ng 40,000 ang dumalo sa nasabing pagtitipon.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular