Friday, September 30, 2022
HomePoliticsKapamilya party-list nangako na buburahin ang pangalang 'Marcos' sa mga kalsada, unibersidad...

Kapamilya party-list nangako na buburahin ang pangalang ‘Marcos’ sa mga kalsada, unibersidad at establisyimento

Nangako ang nominee ng Kapamilya party-list na si Jerry Grácio na buburahin nila ang pangalang ‘Marcos’ sa mga pampublikong paaralan, kalsada at establisyemento.

Sa kanyang tweet nitong Marso 4, sinabi ni Grácio na isusulong nila sa kongreso ang pag alis sa pangalan ng mga Marcos sa mga pampublikong lugar.

Ilan sa mga balak niya ay ang pagpapalit ng Unibersidad na nakapangalan sa lolo ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Gusto rin nitong baguhin ang pangalan ng isang bayan na nakapangalan sa ina ni dating First Lady Imelda Marcos sa Bulacan.

“Magaling daw mga Marcos kasi may eskuwelahan sila. If we win, we will file a bill changing the name of Don Mariano Marcos Memorial State University to Leona Florentino Memorial State University.” sabi ng kilalang manunulat.

“We will also file a bill changing the name of Mariano Marcos State University in Ilocos Norte to Pedro Bucaneg State University. Tigilan na natin ang paggamit ng pangalan ng mga Marcoses sa ating mga unibersidad,” dagdag niya pa.

“At baguhin na rin natin ang pangalan ng Doña Remedios Trinidad sa Bulacan, ang lahat ng mga bayan at barangay na ipinangalan kay Imelda. Noon pa natin ito dapat ginawa.” 

Sinabi din nito na susuriin niya rin ang mga libro na ipinapabasa sa mga estudyante upang masigurado na tama ang natututunan ng mga kabataan tungkol sa martial law at sa mga masasamang nangyari noong panahon ng administrasyong Marcos.

Magpapasa din daw ito ng panukala upang parusahan ang mga tao na nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa martial law.

“We will revisit our textbooks to make sure that Marcos’ atrocities will be written down, discussed in classes. We will file a bill against Martial Law denial, punishing those who will deny that the Marcoses plundered the nation,” sabi pa niya.

Tweet mula kay Jerry B. Grácio (@JerryGracio)

Nakakuha naman ng iba’t ibang reaksyon ang mungkahing ito ni Grácio mula sa mga netizens.

“Sa totoo lang, nung first year college lang ako nagkaroon ng mas malawak na kaalaman tungkol sa martial law. No wonder ang daming mga Pilipino na nasa laylayan or hindi nakatuntong ng college ang mas pro-bbm. Wala silang enlightenment. Puro tiktok. Dapat as early as grade 3 yata.” ani netizen @akosiMayeng22.

smungkahi naman ni @chinitogalter.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular