Monday, October 3, 2022
HomeUncategorizedGuro, humingi ng patawad matapos magbigay ng project sa mga estudyante niya...

Guro, humingi ng patawad matapos magbigay ng project sa mga estudyante niya tungkol kay BBM-Sara

Isang guro ng Grade 5 ang lubos ang paghingi ng tawad ngayon matapos mag-viral ang kanyang assignment para sa kanyang mga estudyante.

Ang nasabing guro kasi, inatasan ang kanyang mga estudyante na gumawa ng video tungkol sa pagsuporta nila sa tambalan ni presidential candidate Bongbong Marcos at vice presidential bet Inday Sara Duterte.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones ay gumawa na ng kasulatan na paghingi ng tawad ang guro na nagtuturo sa Majayjay Elementary School sa Laguna dahil sa kanyang nagawa.

Lumabag kasi ito sa department order ng DepEd na nagbabawal sa mga empleyado nito na makisali sa politika.

“No officer or employee in the civil service shall engage, directly or indirectly, in any electioneering or partisan political campaigning,” ayon sa order.

Nakalagay din sa Article II ng DepEd Code of Ethics for Professional Teachers na hindi nila maaring gamitin ang posisyon nila bilang guro para impluwensiyahan ang mga estudyante nila para suportahan ang isang politiko.

“He submitted a written explanation and apology,” ani Briones.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang nasabing guro tungkol sa kanyang nagawa.

Kumalat naman sa social media ang ilan sa mga video na ipinasa ng estudyante sa nasabing guro at makikita nga na ang tema nito ay tungkol sa dalawang kandidato.

Wala pang komento ang kampo nila Marcos at Duterte sa ginawang ito ng kanilang tagasuporta.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular