Wednesday, October 5, 2022
HomeUncategorizedAtong Ang, pinangalanan ang mga diumano'y gustong pabagsakin ang E-Sabong niya

Atong Ang, pinangalanan ang mga diumano’y gustong pabagsakin ang E-Sabong niya

Ibinunuking ni Atong Ang ang mga pangalan ng mga personalidad na diumano’y gustong pabagsakin ang kanyang E-Sabong firm na Lucky 8.

Matatandaan na nasa 90-95 porsyento ng mga naglalaro ng e-sabong sa Pilipinas ay customer ni Ang kaya naman naniniwala ang negosyante na mayroong mga naiingit na ibang firm sa kanya.

Sa imbestigasyon ng senado sa mga nawawalang sabungero, sinabi ni Ang na may mga personalidad na posibleng kasali sa isang “conspiracy” para siya ay pabagsakin.

“Anim kami na magkakakilala rito. Number 1, ako. Number 2, Bong Pineda. Number 3, Cong. Teves, number 4, di ko kilala mga kumpanya nila eh, kay ex-congressman Patrick Antonio. Number 5 kina Mayor Elan. Number 6, kina Gen. Cascolan, class ’86,” ani Ang matapos siyang hamunin ni Sen. Franklin Drilon na pangalanan ang mga personalidad.

Maaring ang binabangit ni Ang ay si dating Philippine National Police (PNP) chief Camilo Cascolan na hanggang ngayon ay hindi parin tumutugon sa akusasyon ni Ang.

Nangako naman ang negosyante na ilalabas niya ang lahat ng kanyang nalalaman para lamang mapatunayan na mayroon talagang gusto siyang pabagsakin.

“Kukumpletuhin ko ‘to, yung kwentong ‘to para makita niyo yung conspiracy kung bakit, sino ang mga involved dito. ‘Wag po kami i-condemn na guilty kami diyan sa mga nawawala,” ani Ang.

Humiling naman si Ang ng isang executive session bago niya ikuwento ang lahat ng kanyang nalalaman.

Itinanggi naman ng chairman ng senate committee na si Sen. Bato dela Rosa si Ang lamang ang pinag iinitan nila sa kanilang imbestigasyon.

“For the record, this committee is not condemning you for the disappearance of the 34 people,” paglilinaw ni Bato.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular