Wednesday, October 5, 2022
HomeUncategorizedYorme Isko Moreno, itinanggi na konektado sa ipinagbabawal na gamot ang '2-joints':...

Yorme Isko Moreno, itinanggi na konektado sa ipinagbabawal na gamot ang ‘2-joints’: “Don’t worry, it’s organic”

Itinanggi ni presidential aspirant at Manila City Mayor Isko Moreno na konektado sa ipinagbabawal na gamot ang kanyang pinapauso ngayon na “2-joints” hand sign.

Sa panayam sa kanya ng mga miyembro ng media, sinabi ni Moreno na may ibang ibig sabihin ang nasabing handsign at hindi ito tungkol sa bawal na gamot.

“Two joints, drugs ba ‘yun? Isko, Doc Willie. Eto pa isa. Yorme, Ong. Pwede? Chill. Don’t panic, it’s organic!” ani Moreno.

“It’s natural. We were in Cotabato [tapos may sumigaw] ‘yorme, yorme, two joints’, syempre gusto ko naman maka-relate. Then it went viral, because it’s organic. But it doesn’t mean we’re promoting illegal substance,” sabi pa niya sa panayam sa kanya sa Quirino province.

Nilinaw din nito na hindi siya pabor sa pagsasa-legal ng Maryjane dahil kailangan muna itong pag-aralan mabuti.

“Anything, someday, somehow, everything, that science will prove it, as long as makikinabang ‘yung kalusugan ng isang tao, ano mang uri ng gamot na pwedeng makatulong sa kanya, na manuhay siya, then so be it,” paliwanag ng alkalde.

Ayos sa kanya ay ginagawa niya lamang ang mga ito upang maipakita niya na kaya niyang maka-relate sa mga pangkaraniwang tao.

“Being relatable to you, why not? You take the leadership, you’re trying to converse, you’re trying to reach people. You’re trying to make them feel that you understand them. Hindi ba ganon ang governance, lagi mong nauunawan ang nasasakupan mo,” aniya.

Sinabi naman ng campaign manager ni Moreno na si Lito Banayo na hindi alam ng alkalde ang ibig sabihin ng nasabing hand sign.

Ngunit naniniwala ang beteranong campaign manager na mahalaga na makuha rin ni Moreno ang atensyon ng mga kabataan.

 

“But yes, it went viral and wherever we now go, young people relate to it. We, of course, use God First as our hand sign because he has been using that even in Manila politics, but relating to younger voters is quite important, and the response to the two joints sign is quite refreshing.” saad ni Banayo.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular