Friday, September 30, 2022
HomePoliticsProf. Clarita Carlos, may mensahe sa ABS-CBN: "Magpakatao naman kayo!"

Prof. Clarita Carlos, may mensahe sa ABS-CBN: “Magpakatao naman kayo!”

Hindi napigilan ni political scientist Prof. Clarita Carlos ang banatan ang mga balita na kumakalat na si presidential candidate Bongbong Marcos ay humihingi sa kanya ng advance questions para sa SMNI presidential debate.

Sa kanyang Facebook, itinanggi ni Carlos ang isang kumakalat na balita na hiningan siya ni Marcos ng advance questions bago ito sumalang sa debate ng SMNI.

Ayon sa kanya ay wala siyang binanggit na kahit sinong pangalan ng kandidato sa panayam sa kanya ng ANC na news channel ng ABS-CBN.

Nakiusap naman si Carlos na sana’y ayusin nila ang pagpapakalat ng impormasyon.

Binanggit din ni Carlos ang pahayag niya noon na isang kandidato ang pilit humihingi ng advance questions at dahil hindi ito nabigyan ay hindi ito dumalo sa SMNI presidential debate.

Eto ang post mula sa propesor:

“An FB friend posted in one of my walls, seeking clarification from me, in re some news where I was ostensibly quoted, cum my picture…

1. The newsclip, datelined ANC, quoted me that “the camp of BBM sought advance questions”, before a debate.

This is a DASTARDLY LIE!!!

2. If those interviews would be run, without compromising it, anyone, with even an IQ of 70, would see that there was ABSOLUTELY NO MENTION OF BBM NOR

ANY CANDIDATE, IN MY INTERVIEWS, in regard to requesting for advance questions!!!!!

3. Nothing prevents you from supporting a particular candidate, but please change your legal personality to a PAC!!!

4. Sadly and ironically, you present yourselves as purveyors of unexpurgated news…MAGPAKATAO naman kayo! Utang na loob…

Salamat…

P.S. In the SMNI presidential debates held sometime last month, the network itself noted that one of the candidates kept on insisting to get advance questions, which the panel, where I belong, refuse to give. Failing to get advance questions, this candidate, reportedly, withdrew at the last minute… So, there!”

 

Ilang netizen din ang nakiusap sa ANC na itama ang kanilang inireport.

Wala pang pahayag ang ANC tungkol sa mensahe ni Carlos sa kanila.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular