Wednesday, October 5, 2022
HomeUncategorizedKaren Davila, may mensahe sa mga trolls: "Kailangan talagang pumatol at sagutin"

Karen Davila, may mensahe sa mga trolls: “Kailangan talagang pumatol at sagutin”

Naniniwala ang ABS-CBN journalist na si Karen Davila na hindi habambuhay ay kailangan na baliwalain lamang ang mga sinasabi ng mga ‘trolls’ laban sa kanilang mg kababaihan.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Davila na dapat ay kailangan talagang sagutin ang mga trolls dahil ang mga kababaihan daw na tumatahimik ay lalong kinakawawa.

“Minsan, kailangan talagang pumatol at sagutin. It’s harder to be a woman.” ani Davila.

“The more women stay silent, the more women are bullied – speaking from personal experience online. Studies show women are more trolled online than men too. Fight back! #HappyWomensMonth,” dagdag niya pa.

Sinabi ito ni Davila matapos niyang makita ang Facebook post ni Robredo kung saan ay sinagot nito ang mga “trolls” na tinawag na PR stunt ang kanyang pagtanggal ng sapatos matapos ang CNN presidential debate.

“Pinagpipiyestahan pala ng trolls yung pag tanggal ko ng sapatos after the debate. PR stunt daw kasi election. Hindi naman yun first time. Kahit walang election, ginagawa ko yan pag sumasakit paa ko. Eto resibo. 2016 po ito.” sabi ni Robredo.

“Saka medyo regular po yan nangyayari, hindi lang sa akin, pero sa marami pang mga kababaihan na hindi sanay ng nka heels na matagal.” dagdag niya pa.

Umabot ng libo libong reaksyon ang nasabing tweet ni Davila.

“I really admire her grace and wisdom. She doesn’t need to use harsh words to refute trolls. That’s why I’m so looking forward to be represented by the most respectful, courageous and honest President of the Philippines. God bless you Madam President! You are heaven sent!” sabi ni netizen @curtisliezl.

“true! we need to fight twice as hard to find our voice and place in this world. Laban lang, babae!” tweet naman ni @etoilelepetit

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular