Wednesday, October 5, 2022
HomeUncategorizedSen. Manny Pacquiao may pinatamaan: "Ang pinakabob* sa bansa natin 'yung mga...

Sen. Manny Pacquiao may pinatamaan: “Ang pinakabob* sa bansa natin ‘yung mga boboto sa magnanakaw”

Binanatan ni presidential candidate Senador Manny Pacquiao ang mga botante na diumano’y boboto sa ‘magnanakaw’ sa darating na halalan.

Sa talumpati niya nitong Marso 3, naging palaban si Pacquiao sa mga diumano’y nagsasabi na mahina ang ulo niya para maging presidente ng bansa.

Ayon sa kanya ay hindi naman daw totoo na mahina ang ulo niya at ang totoong mga mababa daw ang talino ay ‘yung mga botante na pilit paring boboto sa mga politiko na may kasaysayan ng pagnanakaw sa kaban ng bayan.

“Sinasabi nila si Manny Pacquiao, mahina raw ang utak. Pero hindi totoo yan,” ani Pacquiao.

“Ang pinakab*b* sa bansa natin, ‘yung boboto ng magnanakaw.. Kung boboto ulit tayo ng kandidato na walang plano; ang plano lamang ay payamanin ang pamilya, payamanin ang sarili, e nasa inyo na ‘yan. Basta ako mahal na mahal ko kayong lahat,” dagdag niya pa.

Hindi naman pinangalanan ng senador kung sino ang pinapatamaan niya ngunit ilang netizens ang sinabi na maaring para sa nangungunang kandidato ngayon sa mga presidential survey na si Bongbong Marcos ang mensahe ng pambansang kamao.

Matatandaan na inuulan ng batikos si Marcos dahil diumano sa pagiging kurakot ng pamilya nito noong sila ay nasa kapangyarihan.

Sinabi din nito kahapon na ang mga kandidato na hindi dumadalo sa mga debate ay maaring pagnanakaw lamang ang gawin kapag sila ang nahalal.

“Debate pa lang natatakot na. Paano ‘pag nanalo ka na? Nakakatakot baka magnakaw naman,” ani Pacquiao sa panayam sa kanya nitong Marso 2.

“Karapatan naman nila ‘yan na hindi mag-attend ng debate. Pero ang taong bayan kasi gusto nilang malaman ‘yung plataporma mo, ‘yung plano mo sa kanila, ‘yung plano mo sa taong bayan, sa bansa, kung ano ‘yung kinabukasan,” dagdag niya pa.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular