Monday, October 3, 2022
HomeUncategorizedLuke Espiritu, gusto ulit makadebate ang mga kandidato na “walang hiya”

Luke Espiritu, gusto ulit makadebate ang mga kandidato na “walang hiya”

Handa muli ang senatorial bet ng Partido Lakas ng Masa (PLM) na si Atty. Luke Espiritu na harapin ang mga kandidato ng UniTeam sa pagkasenador na sina former presidential spokesperson Harry Roque at Atty. Larry Gadon.

Sa kanyang video na ibinahagi sa Twitter, ibianhagi ni Espiritu ang kanyang mensahe kung saan ay tinawag niya pa ang mga karibal niya sa pagkasenador na “walang hiya”.

Ayon sa kanya ay nabitin pa siya sa pakikipagpalitan ng salita sa mga kapwa niya kandidato.

“Maraming salamat sa lahat ng sumusuporta sa atin. Nakukulangan pa ako sa bakbakan. Gusto ko pa makipagbakbakan,” ani Espiritu.

“Kaya sana magkaroon pa tayong maraming engkwentro sa mga walang hiyang ito. Kaya todo lang support at todo lang ang laban para magkaroon tayo ng bagong pulitika sa ating lipunan,” dagdag niya pa.

Matatandan na nagkaroon ng matinding diskusyon sa pagitan ni Espiritu, Roque at Gadon dahil sa usapin sa mga Marcos.

READ MORE: Candidate Luke Espiritu, mainit na nakipagsagutan kay Harry Roque at Larry Gadon: “Dapat itinuturo sa school na masama si Marcos!”

“Dapat bigyan natin ng tamang values ang mga kabataan, dapat itinuturo sa school na masama ang EJK, masama ang red-tagging, masama si Marcos at marami siyang human rights violation,” ani Espiritu.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular