Friday, September 30, 2022
HomeUncategorizedEx-Comelec commissioner Rowena Guanzon, hinimok ang mga netizens na tigilan na ng...

Ex-Comelec commissioner Rowena Guanzon, hinimok ang mga netizens na tigilan na ng #ngiwichallenge: Baka magalit ang PWDs!

Matapos makatanggap ng batikos sa social media ay hinimok ni retired Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon ang mga netizens na tigilan na ang viral na ‘Ngiwi Challenge’.

Matatandaan na nag viral ang ngiwi-challenge sa social media bilang parte ng batikos sa isang kandidato na ngumigiwi dahil sa paggamit nito ng ipinagbabawal na gamot.

Isa si Guanzon sa mga nakisali sa nasabing challenge at nakatanggap siya ng iba’t ibang reaksyon sa mga netizens.

Ngunit tila nag iba bigla ang opinyon ni Guanzon sa ngiwi challenge upang hindi diumano masaktan ang mga persons with disabilities (PWDs).

Ilang sakit kasi katulad ng Cerebral Palsy at Tourette Syndrome ang may mga may sintomas ng pagngiwi ng mukha kaya naman ilang netizen ang binatikos si Guanzon na advocate pa naman ng mga PWD.

“Please guys let’s stop the #ngiwisquad ngiwi challenge because it might offend those with Tourette’s and cebral palsy. Thank you @austismphils,” ani Guanzon.

Hati naman ang reaksyon ng mga netizens sa post ni Guanzon.

“The damage have been done. You should have taken that in consideration before you did it.” sabi ni @s_aguedo.

“I have bell’s palsy, and I’m not offended.” tweet naman ni @l3njava.

Sa kanyang mga nakaraang post ay itinanggi ni Guanzon na para sa mga PWD ang kanyang ngiwi challenge.

“No to drugs ! Our #ngiwisquad challenge no offense po sa mga na stroke. C*caine jaw po yang ngiwi namin dito. Join!” sabi ni Guanzon.

“Yup ganyan dapat. Pag may mali na nagawa sa ibang tao nagtetake ng accountability. Di tulad ng mga Marcoses na kahit kelan di nagsorry man lang sa human rights violations committed during the Martial Law and up to this day in denial yung descendants nila.” opinyon naman ni @angstanddoubts.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular