Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesDonita Nose, inamin na masama ang loob niya kay Super Tekla: "Nakakadurog...

Donita Nose, inamin na masama ang loob niya kay Super Tekla: “Nakakadurog ng pagkatao. Binigay mo lahat.”

Ibinulgar ng komedyante na si Donita Nose ang kanyang sama ng loob sa kanyang kamasahan na si Super Tekla.

Nitong Pebrero 18 ay inanunsyo ng tambalang ‘Donekla’ sa kanilang social media channel ang kanilang paghihiwalay dahil sa hindi na maayos ang relasyon nilang dalawa.

“Ngayon, twice pa lang kami nag-usap uli. Pero two weeks, three weeks di kami nag-uusap. Magkasama kami sa bahay, hindi kami nagpapansinan, hindi kami nag-uusap, as in wala talaga.” kwento ni Donita.

“Hanggang sa nakalipat na kami sa kanya-kayang bahay namin. Wala talagang usap,” pahayag ni Donita Nose na umamin ding umalis sila sa tinitirhang bahay nang hindi sila nag-usap man lang.” dagdag niya pa.

Sinabi pa ni Donita na wala siyang kasalanan sa hiwalayan ng Donekla at makikita naman si Tekla na pumapabor sa sinasabi ng dati niyang kasahaman.

“Ako lang ang kumikilos sa channel, ako lang,” ani Donita.

Ikinuwento pa ni Donita na talagang sobrang sama ng loob niya dahil sa masakit na mensahe na natanggap niya mula kay Tekla.

“Dumating sa point na umayaw na ako. Wala kaming upload (sa YouTube channel namin). Hindi kami nag-uusap kasi sumama na yung loob ko sa kanya dahil kasi lilipat po kasi kami ng bahay talaga.

“Gusto namin bahay na maayos, yung makakapag-vlog kami. Kasi, dun sa isang bahay namin, medyo istrikto talaga dun. Di kami maka-vlog sa labas kasi nga naiingayan yung mga kapitbahay.

“Four days akong nag-ikot. Four days naghanap ako ng bahay kasama itong editors namin. Kung saan-saan ako nag-ikot.

“Siya nasa bahay lang. Nandu’n lang siya. Taga-report lang ako, ‘Eto, may nakita akong bahay.’ Sabihin lang niya sa akin, ‘O, sige, ikaw na bahala diyan.’ So, du’n pa lang, ako na naman. Ako na lang lagi,” kwento pa ni Donita.

Nakahanap nga ng bagong bahay si Donita ngunit hindi naman pinirmahan ni Tekla ang kontrata.

Hindi rin nito naiwasan na manghinayang dahil sa umabot na ng tatlong milyong subscribers ang kanilang tandem.

“So, tinanong ko siya, ‘Bakit di mo pinirmahan?’ Ang pinakamasakit narinig ko at nag-message siya sa akin, sabi niya na-try na raw namin magsama sa isang bahay sa loob ng isang taon, ‘Pero wala namang nangyari.’

“Nakakadurog ng pagkatao. Binigay mo lahat. Inihain mo na lahat, kahit utak mo dumudugo na sa pag-iisip at hirap. Ang dami ko shinare sa sarili ko. Pero sasabihan mo lang ako ng walang nangyari?” 

“Masakit sa akin kasi halos ako na lahat, e. Tapos walang nangyari? Unfair naman yata sa akin yun, di ba?’ Sa totoo lang, si Tekla pagdating sa trabaho, pagdating sa vlog namin, di siya professional. May katamaran.

“Ite-text ko na lang, ‘Pupunta tayo sa ganito, dito tayo magbla-vlog.’ Marami pa siyang dahilan. ‘Di ako puwede.’ Teh, ako na naghanap, pupunta ka na lang. Magba-vlog na lang tayo. Ba’t di mo kaya ibigay sarili mo? Kasi ako, binibigay ko lahat sa akin, e.

“Di nga ako nag-upload sa channel ko madalas kasi nagpokus ako sa ating dalawa, dahil madami nagmamamal sa ating dalawa.

“Sayang yung 3 million subscribers. Pero ako lang palagi? Isang taon na nga yung nangyari,”

Sa ngayon ay wala pang tugon si Tekla sa hiwalayan nila ni Donita.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular