Monday, September 26, 2022
HomePoliticsAtty. Larry Gadon, binanatan ang Simbahang Katoliko: "Dapat ang tinuturo niyo kagandahang...

Atty. Larry Gadon, binanatan ang Simbahang Katoliko: “Dapat ang tinuturo niyo kagandahang asal, hindi pamumulitika”

Binanatan ni senatorial candidate Atty. Larry Gadon ang Simbahang Katoliko dahil diumano sa pagiging parte nito ng pagsira sa ugali ng mga kabataan ngayon.

Sa debate na isinagawa ng SMNI nitong Marso 2, sinabi ni Gadon na dapat ay tamang pag-aasal ang itinuturo ng simbahan at hindi ‘yung mga paniniwala nila sa politika.

“Marami sa mga pari, sa halip na magturo ng leksyon sa mga bata ay ang inaatupag ay ‘yung pagiging anti-Marcos, anti-martial law at mga communism ang itinuturo nila.” ani Gadon.

“So dapat ituwid din itong Catholic Church, wala na kayong ginawa kundi manira kay Marcos, kay Bongbong, kung ano anong mga kalokohan na bashing, mga pari kayo dapat ang itinuturo niyo ‘yung kagandahang asal hindi yung pamumulitika,” dagdag niya pa.

Dahil sa pahayag ni Gadon ay hindi napigilan ng isa pang kandidato na si senatorial candidate Atty. Luke Espiritu na kontrahin ang sinabi ng abogado na kilala tagasuporta ni Marcos.

“Dapat tinuturo sa school na masama ang EJK, masama ang red-tagging, masama si Marcos (Ferdinand Marcos Sr.), marami siyang human rights violations,” sabi Espiritu.

“It’s my time. Huwag kang bastos,” banat pa ni Espiritu matapos siyang subukan pigilan ni Gadon sa mga sinasabi niya.

Pumalag naman si Gadon at sinabi na dapat ay hindi ginagamit ang mga debate para magpakalat ng ‘propaganda’ laban sa mga Marcos.

Sa ngayon ay wala pang sagot ang simbahang katoliko sa banat sa kanila ni Gadon.

Matatandaan na ilang pari na ang nagbigay ng kanilang pagkontra sa pagtakbo ni Marcos dahil diumano sa mga nagawa ng pamilya nito.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular