Friday, September 30, 2022
HomeUncategorizedRetired COMELEC commissioner at PWD advocate Rowena Guanzon binatikos dahil sa pag...

Retired COMELEC commissioner at PWD advocate Rowena Guanzon binatikos dahil sa pag ‘ngiwi’

Usap usapan sa social media ang larawan na ibinahagi ni retired Commission on Elections (COMELEC) commissioner Rowena Guanzon sa social media.

Sa kanyang tweet nakisama si Guanzon sa ‘ngiwi’ challenge na pinangunahan ng mga kritiko ni presidential candidate Bongbong Marcos at tagasuporta ni VP Leni Robredo.

Makikita sa larawan ang commissioner na may hawak na ‘coke’ habang ito ay nakangiwi.

“Do the #ngiwisquad challenge.” caption ni Guanzon sa kanyang post.

Matatandaan na nagin usap-usapan noon ang tila pag-ngiwi ng mukha ni Marcos sa isang panayam na palatandaan diumano sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ngunit ilang netizens ang hindi nagustuhan ang ginawa ni Guanzon na isang advocate ng mga Persons With Disabilities (PWDs) dahil sa ang pag ngiwi ay isa rin sa mga katangian ng mga may kapansanan.

“You represent and advocates for PWD yet here you are making fun of mannerisms.. I hope the man in your header is very proud of you ma’am. @rowena_guanzon” mensahe ni netizen @kenrodr88162914.

“Ma’am, aren’t you supposed to be a PWD advocate? You’re making a mockery of people with facial paralysis and disability. Such paralysis in people could be caused by stroke, Bell’s palsy, trauma, tumors, viruses and Lyme Disease. SHAME!” @sabi naman ni @reneastudillo

Depensa naman ni Guanzon hindi naman daw para sa mga may sakit ang kanyang ngiwichallenge

“No to drugs ! Our #ngiwisquad challenge no offense po sa mga na stroke. C*caine jaw po yang ngiwi namin dito. Join !” aniya.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang kampi ni Marcos tungkol sa kumakalat na ngiwi challenge.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular