Friday, September 30, 2022
HomeUncategorizedQuiboloy, may tanong kay Pacquiao matapos sabihin ng senador na importante ang...

Quiboloy, may tanong kay Pacquiao matapos sabihin ng senador na importante ang debate: ” E bakit sa SMNI hindi ka sumipot?”

Ibinahagi ni presidential candidate Sen. Manny Pacquiao ang kanyang pananaw tungkol sa mga debate.

Sa panayam sa kanya noong Pebrero 27 ay sinabi ni Pacquiao na ‘importante’ ang mga debate kaya’t kailangan itong daluhan ng mga kandidato katulad niya.

“Napakaimportante ng ganitong debate… para makita natin ang sinseridad ng taong tumatakbo.” ani Pacquiao sa CNN Presidential debate.

“Kailangan sumipot tayo sa mga ganitong imbitasyon, para malaman ng taumbayan ‘yung tunay nating hangarin at layunan namapaunlad natin ang ating bansa.” dagdag niya pa.

Matatandaan na tanging si presidential candidate at dating senador Bongbong Marcos ang hindi dumalo sa nasabing debate.

Hindi naman napigilan ni Pastor Apollo Quiboloy na magbigay ng kanyang tugon sa sinabi ni Pacquiao na matatandaan na idinemanda siya.

“Ayon pala, ini-invite ka ng SMNI, bakit hindi ka sumipot? Sinabi mo pa ‘yung mga kaso na mga indictment na sumbong lang, walang charges.” sabi ni Quiboloy.

“Bakit hindi ka sumipot sa imbitasyon? Tapos nang-insulto ka pa.” dagdag niya pa.

Ibinahagi din ni Quiboloy na bibigyan niya ng ikalawang pagkakataon ang mga presidential candidate na dumalo sa ikalawang presidential debate ng SMNI sa Marso 26.

“Bibigyan ko kayo ng pangalawang pagkakataon para mapatotohanan kung sino kayo, matalino ba kayo, handa ba kayong humarap sa mga tanong na mayroong kinalaman sa ating bansa… na dapat harapin ng isang magiging Pangulo.” hamon ni Quiboloy sa mga hindi dumalong kandidato sa unang debate na kanilang pinangunahan.

Hinimok naman ng ilang netizen si Pacquiao na dumalo kung magkakaroon ng ikalawang presidential debate ang SMNI.

Mr. Pacquiao, the Filipino people are expecting to see you on the last round of SMNI’s presidential debate. Kung talagang sinsero k s pagtakbo mo at kung tlgang gusto mong ipakita sa taumbayan ang tunay na hangarin at layunin mo na mapaunlad ang bansang pilipinas, un na ho ang huli at pinaka-mahandang pgkakataon nyo. wag po kayong liliban sa debate. Milyon-milyong kababayan po natin ang mkakarinig ng mga plataporma nyo… Hindi po namin kailangan ng Pangulo/Pinunong duwag,” sabi ng isang netizen.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Pacquiao sa panibagong banat sa kanya ni Quiboloy.

Maliban kay Pacquiao ay hindi rin dumalo si Vice Pres. Leni Robredo, Sen. Panfilo Lacson, at Manila Mayor Isko Moreno sa nasabing debate.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular