Friday, September 30, 2022
HomeNetizen's VoiceProf. Clarita Carlos, muling hinangaan ng mga netizens sa SMNI senatorial debate:...

Prof. Clarita Carlos, muling hinangaan ng mga netizens sa SMNI senatorial debate: “It’s NOT a debate without Professor”

Isa sa mga pinaka-inabangan sa isinagawang senatorial debate ng Sonshine Media Network International (SMNI) ang pagtatanong ng panelist na si political science professor Clarita Carlos.

Naitanong ni Carlos sa mga tumatakbo sa pagkasenador ay ang kanilang opinyon sa balak ng Amerika na maglagay ng kanilang mga missiles sa Japan.

Itinanong din ni Carlos kung ano ang masasabi ng mga kandidato tungkol sa claim ng Pilipinas sa Sabah.

Tinawag din ni Carlos na “ugly building” ang itinatayong bagong senate building sa Bonifacio Global City.

Ilan sa mga netizen ang idinaan sa tweet ang reaksyon nila matapos mapanood si Carlos.

“Nakakatakot talaga tong si Prof. Clarita Carlos tapos ganito pa ang awrahan niya! Feeling ko wala na akong pagasang makapasa. HAHAHA,” sabi ni @RethLawrence.

It’s NOT a debate without Professor Clarita Carlos. So tonight, it’s definitely legit.” tweet naman ni @LakasNgTimog.

Ngunit may ilan ding netizens ang hindi humanga kay Carlos at inakusahan ito na kumakampi kay presidential candidate Bongbong Marcos.

Clarita Carlos is obviously a Marcos apologist. Kaya tuwang tuwa ang kapwa apologists eh. Feeling nila gospel lahat sinasabi niya. Ano ba.” sabi ni @f2_dlsu.

Matatandaan na ilang beses ng itinanggi ni Carlos na kumakampi siya kay Marcos at sinabi pa nga nito na dapat ay aminin na ng kandidato ang mga nangyaring masama sa administrasyon ng kanyang ama.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular