Friday, September 30, 2022
HomePoliticsProf. Clarita Carlos may inamin na may ayaw siya kay VP Leni...

Prof. Clarita Carlos may inamin na may ayaw siya kay VP Leni Robredo: “Tatakbo lang siya para hindi manalo si Marcos”

Ibinahagi ni Professor Clarita Carlos ang kanyang pananaw tungkol sa diumano’y isa sa mga dahilan ni Vice President Leni Robredo para tumakbo sa pagkapangulo.

Sa panayam sa kanya ni Professor Antonio Contreras ay itinanggi niya na sinusuportahan niya ang mga lahat ng ginawa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Sa katunayan ay sinabihan niya noon si presidential bet Bongbong Marcos na tanggapin niya na lamang ang mga ibinabato laban sa kanilang pamilya katulad na lamang ng pagmamalupit ng militar at pulisya.

Ngunit ayon sa kanya ay hindi niya maaring husgahan ang administrasyong Marcos dahil lamang sa kamalian ng isang ahensya nito.

“Yung 21 years of Marcos, tignan mo ‘yung agriculture, foreign policy, bureaucracy, health etc.” paliwanag ni Carlos.

“Hindi ka pwedeng magbigay ng isang grade sa sampu ang subject area, isa lang ang binigay mo na grade, ang ibinigay mo ay sa military atrocities edi syempre lagpak,” dagdag niya pa.

Sinabi niya rin na mayroon siyang ayaw na ginagawa ni Robredo at ‘yon ay ang pagtakbo nito para lamang talunin si Marcos.

“Ngiwing Ngiwi ‘yung istorya nila na gustong palabasin that’s why I don’t like what Robredo is doing,” ani Carlos. “Kasi ang ginagawa niya, diba she’s started from anti something, kaya lang daw siya nagra-run e kasi correct me Ton, diba sabi niya ‘I am running because I don’t want Bongbong Marcos to win,”

Sinabi niya rin na binabatikos siya ng mga tagasuporta ni Robredo dahil sa kanyang pagiging kritiko nito ngunit lahat naman daw ng kandidato ay inuusisa niya.

Matatandaan na ilang netizens ang binatikos si Carlos dahil diumano sa pagkampi nito sa mga Marcos.

Ngunit ilang beses na itong itinanggi ni Carlos na isang kilalang propesor at ngayo’y panelist sa debate ng SMNI.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular