Monday, October 3, 2022
HomeUncategorizedCandidate Luke Espiritu, mainit na nakipagsagutan kay Harry Roque at Larry Gadon:...

Candidate Luke Espiritu, mainit na nakipagsagutan kay Harry Roque at Larry Gadon: “Dapat itinuturo sa school na masama si Marcos!”

Hindi naiwasan na magkainitan ng mga senatorial candidates sa SMNI debate na ginanap nitong Marso 2.

Nagkasagutan ang mga senatorial candidates at mga abogado na sila Luke Espiritu, Larry Gadon at Harry Roque dahil sa usapin sa pagpapababa ng age of criminal liability na napunta sa usapin tungkol sa mga Marcos.

Nag umpisa ang tensyon matapos sabihin ni Espiritu na dapat ay hindi pababain ang age of criminal liability at ituro na lamang sa mga kabataan ang pagiging magnanakaw ng pamilya Marcos at ang pagiging masama ng EJK upang hindi lumaking masama ang mga bata.

“Dapat bigyan natin ng tamang values ang mga kabataan, dapat itinuturo sa school na masama ang EJK, masama ang red-tagging, masama si Marcos at marami siyang human rights violation,” ani Espiritu.

Dahil dito ay biglang sumingit si Gadon na kilalang tagasuporta ni Marcos sa gitna ng pagsasalita ni Espiritu.

Nagkaroon ng maiksing sigawan sa pagitan ng dalawa bago sila naawat ng host.

Sa interpellation naman ni Gadon ay isinisi nito ang mga paglabag sa human rights na isinisi kay Marcos kay CPP-NPA-NDF founder Joma Sison.

“We should not use this forum to spread propaganda against the Marcoses.” sabi ni Gadon.

Sagot naman ni Espiritu ay may mga ebidensya mula sa Amnesty International at iba pang grupo na may mga ginawang paglabag sa human rights ang mga Marcos.

Sinabihan din nito si Gadon na “wag kang bastos” ng sinubukan ulit sumingit ng abogado.

Tugon naman ni Gadon, wala naman daw naipresenta na ebidensya ang mga nasabing grupo laban kay Marcos sa korte ng bansa.

Nabigyan naman ng pagkakataon si Roque na sumagot at ipinagtanggol nito ang kasalukuyang kandidato na si presidential candidate Bongbong Marcos.

“Inisa-isa ko po ang mga record, wala pong kaso for human rights violations sa Amerika si Ferdinand Marcos Jr.” ani Roque.

Binanatan naman ni Espiritu si Roque at pinuna nito ang pag-iiba ng paniniwala ng kilalang human rights lawyer noon dahil lamang diumano sa kapalit na suporta ni Marcos sa kanyang pagtakbo sa pagkasenador.

“I know your history, you were anti Marcos before, you were for human rights before. You spent your life against the Marcoses, you work for human rights and now you will given a senate spot under party of Bongbong Marcos, you cry hallelujah and praise Marcos,” banat ni Espiritu.

Paliwanag naman ni Roque, ang buhay na Marcos na ang pinag uusapan ngayon at hindi ang pumanaw na dating Pangulo.

Tila nadismaya naman ang panelist na si Dr. Eleanor Cardona na nagtanong sa kanila dahil napunta lamang sa mga Marcoses ang tanong niya sana para sa mga kabataan.

“Naging juvenile na tayo,” sabi ng panelist.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular