Monday, October 3, 2022
HomePoliticsBeteranong mamamahayag, tinawag na 'cheap' ang ginawang paghuhubad ng sapatos ni VP...

Beteranong mamamahayag, tinawag na ‘cheap’ ang ginawang paghuhubad ng sapatos ni VP Leni

Binanatan ng beteranong mamamahayag na si Jay Sonza ang paghuhubad ng sapatos ni presidential candidate Vice President Leni Robredo matapos ang ilang oras niyang pakikipagdebate sa CNN Philippines.

Sa kanyang Facebook post, binanatan ni Sonza si Robredo at sinabi na dapat ay hindi na nagsoot pa ng heels ang bise presidente dahil alam naman nito na tatagal ng ilang oras ang programa.

“Ang “Common sense” ay┬áhindi ito itinuturo sa UP Diliman.” ani Sonza.

“Kapag alam mong matagal ang tindigan sa isang okasyon, pulong o event, dapat naka flat shoes ka o kaya maghubad ka ng sapatos na may mataas na takong. Iyan ay kung hindi mabaho at umaalingasaw ang iyong paa.” dagdag niya pa.

Tinawag ding ‘cheap’ ni Sonza ang ginawa ni Robredo.

“Tapos gigimik ka na bitbit ang sapatos na para kang tatawid sa ilog sa kabukiran. Napaka-cheap ng dating.” pahayag pa ng mamamahayag.

Ilang netizens naman ang pumabor sa sinabing ito ni Sonza na kilalang kritiko ni Robredo.

“Exactly.even me if am attending any party I bring flat shoes with me…in case I can’t stay long for the heels I change it…” sabi ni Sharon Dacera.

“Tapos, dapat may dala na pampalit kapag tapos na yung event na paggagamitan ng sapatos na mataas ang takong. It only shows her consistent lack of foresight. Kawawa ang Pilipinas sa kanya kung sya ang presidente.” ani Ken Del Rosario.

“Gusto nya tlga magpa picture na nakapaa at bitbit ang high heels nya para agaw atensyon sa knya para sasabihin nya pag uusapan cia at pupurihin kasi nga nkapaa cia,” komento naman ni Maila Morales.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular