Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesAgot Isidro, hinangaan ang katapangan ng Pangulo ng Ukraine: "Isang kandidato dyan,...

Agot Isidro, hinangaan ang katapangan ng Pangulo ng Ukraine: “Isang kandidato dyan, debate lang naduduwag na!”

Hinangaan ng aktres na si Agot Isidro ang katapangan na ipinapakita ngayon ng lider ng Ukraine na si Volodymyr Zelenskyy na matatandaan na tumanggi na umalis sa kanyang bansa sa gitna ng paglusob sa kanila ng bansang Russia.

Ayon kay Agot ay ang nangyayari Ukraine ay isang ebidensya na mahalaga ang magkaroon ng isang lider na matapang at kayang bigyan ng inspirasyon ang kanyang mga kababayan upang lumaban.

“What is happening in Ukraine highlights the importance of a strong, fearless, inspiring leader. Standing up to a ruthless dictator.” ani Agot.

Tila may pinaringgan naman si Agot na isang kandidato na malayong malayo kay Zelenskyy dahil diumano’y sa debate pa lang ay hindi na sumusulpot dahil sa natatakot ito.

“Something to think about this coming elections. Kung saan isang kandidato dyan, debate lang naduduwag na.” aniya.

Ilang netizens naman ang sinubukang hulaan kung sino ang kandidato na pinapatamaan ni Agot.

May ilan na sinabi na maaring si presidential candidate at dating Senador Bongbong Marcos ang pinaparingan ni Agot dahil sa kilala ang kandidato sa hindi pagdalo sa mga debate.

Matatandaan na sa SMNI debate lamang dumalo si Marcos.

May mga netizens din naman na binatikos si Agot sa kanyang pananaw.

“Ma’m, nakakapagod na ang mga galit nyo sa isang taong running for President na ito. Binibigyan nyo lang sya ng dahilan para mahalin ng taongbayan.” sabi ni netizen @jhingteneza.

“Tell your president na kaylangan din nya ng neutrality….hindi sa lahat ng panahon dumipindi sa ally ……learn a lesson from what happened to ukrain….saan ang mga ally to deffend their territory..” tweet naman ni @luna_powla.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular