Wednesday, October 5, 2022
HomePoliticsKarmina Constantino, binatikos si Jose Montemayor: Hindi binayaran ni Isko ang ABS-CBN...

Karmina Constantino, binatikos si Jose Montemayor: Hindi binayaran ni Isko ang ABS-CBN at ANC!

Hindi nakapagtimpi ang mamamahayag ng ANC na si Karmina Constantino matapos akusahan ng presidential candidate na si Jose Montemayor.

Ito’y matapos tila paringgan ni Montemayor ang ANC at ABS-CBN na binabayaran diumano ni presidential bet Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso upang mapagtakpan ang mga isyu na kinakaharap ng alkalde.

Pinag usapan kasi sa nasabing panayam nitong Marso 1 ang mga akusasyon ni Montemayor na nakatanggap ng milyon-milyong piso si Moreno mula sa Microsoft founder na si Bill Gates.

Sinubukang tanungin ni Constantino si Montemayor kung may patunay ba siya na talagang naktanggap ng pera si Moreno sa banyaga ngunit sinabi nito na ilalabas niya lamang ito kung mayroon na itong “court order”.

Ayon naman kay Montemayor ay kayang kaya naman daw ng mga mamamahayag na malaman kung totoo nga ba ang pagtanggap ni Moreno ng pera kay Bill Gates.

Ngunit tila nagparinig ito na binabayaran ang ABS-CBN at ANC ni Moreno kaya’t nag umpisa ng maginit si Constantino.

“Well, if you would just research, especially if you’re in the media, you should have known better, unless Isko Moreno paid ANC and ABS-CBN,” ani Montemayor.

Mariin namang itinanggi ni Constantino na tumatanggap sila ng suhol.

“I’m sorry, I’m not going to let that pass. Doctor Montemayor we are not in the business of getting paid. I am personally insulted by that insinuation. We can go on with this interview, we can leave this topic aside and move on, but let me tell you, this is not an insinuation that I will take lightly.” maanghang na tugon ng mamamahayag.

“This company is not in the business of getting paid. This journalist has never been—or ever will be—paid by anyone to ask or not to ask questions,” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay umabot na ng 16.6k likes ang nasabing video.w

Hindi pa malaman kung bakit si Moreno ang pinupuntirya ni Montemayor na kilala sa kanyang pagtutol sa mandatory vaccination.

Samantala ay kilala naman ang alkalde ny Maynila sa kanyang pro-vaccine stance.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular