Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesDoc Willie Ong, tinawag na 'unfair' ang sistema ng CNN debate: "Ang...

Doc Willie Ong, tinawag na ‘unfair’ ang sistema ng CNN debate: “Ang tagal ng oras doon sa mga sitting senators”

Ibinuking ni vice presidential aspirant Doctor Willie Ong ang mga diumano’y hindi pantay na pagtrato sa kanila sa dinaluhan nila na debate ng CNN Philippines na ginanap noong Pebrero 26.

Sa kanyang ibinahaging video sa Facebook nitong Pebrero 28 ay ikinuwento ng celebrity doctor ang mga naranasan niya habang siya ay nasa debate.

Ayon sa kanila ay pinipilit daw ng mga nasa likod ng debate na gawing “tense” ang sitwasyon para dumami ang manonood sa kanila.

“After 40 minutes, lumapit yung isang host sa amin. Ang sabi ganito eh ‘We have to make more interesting… parang mababa yung views natin.” pagbubuking ni Ong.

“We have to make it more interesting. Doc yung sinabi mong tungkol sa hospital maganda yun.’ I think the word is more interesting, more lively para mahaba yung airtime natin,” dagdag niya pa.

 “Ayun na nga ang nangyari after 40 minutes naging sobrang naging interesting.. meron nang nagsisisigaw,”

May mga pinuna din ito sa sistema ng pagtatanong at sinabi na hindi na siya tinanong sa mga paksa kung saan siya ay eksperto.

Napansin din nito na hindi pantay ang oras na ibinibigay sa lahat ng vice presidential candidate at hindi rin daw lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na makasagot sa mga tanong.

Mas lamang pa daw ang ibinibigay na oras sa mga ‘sitting senators’ na sina Senate President Vicente Sotto III at Senator Francis “Kiko” Pangilinan.

“So ready na ako eh. Ready na ako magsagot. Pagdating sa akin… wala. nganga. next question please. Oh diba, medyo lugi naman diba” aniya.

“… tsaka nakita niyo naman yung tanungan. Ang tagal ng oras doon sa mga sitting senators pero okay lang naman,” dagdag niya pa.

Itinanggi naman ni Ong na alam na nila ang mga itatanong sa kanila ng mga panelists.

Hindi naman daw masama ang loob niya sa CNN Philippines at nagpasalamat parin ito sa pagkakataon na ibinigay sa kanya.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular