Monday, October 3, 2022
HomePoliticsVivian Velez, binatikos ang hindi pagpunta ni BBM sa debate: "Gising, Pilipinas!"

Vivian Velez, binatikos ang hindi pagpunta ni BBM sa debate: “Gising, Pilipinas!”

Binatikos ng dating aktres na si Vivian Velez ang hindi pagdalo ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa CNN debate na ginanap nitong Pebrero 7.

Tanging si Marcos lang ang hindi dumalo sa mga kumakandidato ngayon sa pagkapangulo.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Velez na ang hindi pagpunta ni Marcos sa mga debate ay isang senyales na wala itong balak na pagsilbihan ang mga Pilipino.

“By not attending debates… your silence is heard as a lack of commitment to serve the Filipino people. Gising, Pilipinas!” ani Velez.

Sinabi pa nito na maaring makasama pa kay Marcos ang ginagawa nitong istratehiya na hindi pagpunta sa mga debate.

“Marcos Jr. is playing not to lose by simply guarding his gains. Many have lost with that strategy. We hope this will not be an exception.” sabi ng dating aktres na ngayon ay nagpapakita ng suporta kay presidential candidate Manila City Mayor Isko Moreno.

“It’s important that candidates take the opportunity to speak to the public and present their plans for government. Kung hindi ka humaharap, ibig sabihin wala kang malinaw na plataporma. Gising, Pilipinas!” dagdag pa niya.

Matatandaan na ikinalungkot noon ni Velez ang naging desisyon ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte na makipag-tandem kay Marcos.

Isinusulong kasi ni Velez ang pagtakbo ni Duterte sa pagkapangulo.

“In one of my lucid dreams. Nagiisang berde sa mga pula Bakit Inday? Babawi kami kay Bong Go.’No regrets in life, just lessons learned.’” sabi ni Velez.

Ngayong hindi na tumatakbo si Go ay si Moreno naman ang napiling suportahan ng aktres.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular