Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesJim Paredes, sinabing 'Solid Kakampink' ang kasamahan niya sa Apo Hiking Society...

Jim Paredes, sinabing ‘Solid Kakampink’ ang kasamahan niya sa Apo Hiking Society na sila Danny Javier at Boboy Garovillo

Ibinulgar ni Jim Paredes na susuporta ang kanyang mga kasamahan sa legendary OPM group na Apo Hiking Society kay presidential bet Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang tweet, ibinahagi ni Paredes ang #TatlonAPOsilaForLeni upang sabihin sa kanyang mga followers na sinusuportahan ni Danny Javier at Boboy Garovillo ang kandidatura ni Robredo.

Nag-upload din si Jim ng larawan niya kasama si Danny at Boboy.

Screencap mula sa tweet ni Jim Paredes (@jimparedes)

Kinumpirma naman ito sa isang Facebook post ni Danny.

Matatandaan na nag-viral noon ang mga pahayag ni Danny tungkol sa pagsuporta niya kay Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t ikinagulat ng mga netizen ang pagsuporta nito kay Robredo na pambato ng oposisyon.

Mula sa Facebook post ni Danny Javier

Samantala ay ikinatuwa ng mga fans ni Jim at ng Apo ang pagkakaisa ng nasabing grupo sa pagsuporta kay Robredo.

Ilan sa mga humiling na magkaroon ng reunion ang grupo ay si vice presidential candidate Kiko Pangilinan.

“Reunion na!” ani Pangilinan.

“May nagre-request po ng reunion. Yung susunod na Bise Presidente ng Pilipinas.” sabi naman ni @nates1027.

Mula sa comment section ng tweet ni Jim Paredes (@jimparedes)

“Wishful thinking here, sana talaga makita namin uli all three of you in LeniKiko sorties. The best talaga yan, para sa amin na EDSA peeps. Always present sa Ayala Friday afternoon rallies. Thank you, APO Jim, Buboy, Danny!!” tweet pa ni @chiqui_salvador.

Hindi pa kinukumpirma ng grupo kung muli silang magsasama sa entablado matapos ang kanilang paghihiwalay ng 12 na taon.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular