Monday, October 3, 2022
HomeUncategorizedWalden Bello, pinatayan ng mikropono sa debate matapos ang pakikipagtalo niya kila...

Walden Bello, pinatayan ng mikropono sa debate matapos ang pakikipagtalo niya kila Tito Sotto at Kiko Pangilinan

Hindi naiwasan ang pagkakainitan ng mga kandidato sa pagkabise presidente sa debate na pinangunahan ng CNN Philippines.

Ilan sa mga mainit na nagtalo ay si dating Akbayan party-list Rep. Walden Bello at Senate President Vicente “Tito” Sotto.

Binanatan ni Bello si Sotto dahil diumano sa pagiging sunud-sunuran nito kay Pangulong Duterte na itulak ang ilang panukalang batas ng kasalukuyang administrasyon.

Ilan sa mga batas na binanggit ni Bello ay ang Anti-Terrorism Act, the Public Service Act, and the Foreign Investment Act, at Rice Tarrification Act.

“Wag ho tayong mag-rewrite ng history kasi lahat naman ng key legislative na itinulak ni President Duterte, who was the biggest backer? It was Mr. Sotto,” ani Bello.

“He never dissented from any major legislation kaya ho hindi independent ang kandidatong ito.” dagdag niya pa.

Sinabi pa nito na itinuturing niya si Sotto na kaalyado ng kasalukuyang administrasyon dahil hindi man lang nito binatikos ang mga kontrobersyal na programa ng Pangulo.

Samantala ay binanatan din nito si Sen. Kiko Pangilinan kasama na si Sotto dahil sa kanilang pagkampi sa Amerika.

Dahil sa walang tigil na pambabatikos ni Bello ay napilitan ang mga moderator ng nasabing debate na patayin muna ang mikropono ng dating mambabatas.

Matapos ng debate ay sinabi ni Sotto na para sa mga kababayan niya ang kanyang ginagawa kaya’t isinusulong niya ang magagandang batas.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular