Wednesday, October 5, 2022
HomePoliticsBongbong Marcos, nakipagkita sa dating yaya ng pamilya nila noong dekada 60

Bongbong Marcos, nakipagkita sa dating yaya ng pamilya nila noong dekada 60

Matapos ang ilang dekada ay nakipagkita si presidential candidate at dating senador Bongbong Marcos sa dati nilang kasambahay noon pang dekada 60.

Matatandaan na nitong Pebrero 17 ay humingi ng tulong ang isang netizen sa mga tagasuporta ni BBM dahil sa hinahap daw ito ng dati nilang kasambahay na si Resureccion Bugna o mas kilala bilang ‘Nanay Siony’ na ngayon ay naninirahan sa Agoo, La Unio.

Ayon kay Evelyn Milanes Patricio ay naalagaan ni Nanay Siony na ngayo’y 80-anyos na ang mga anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Ang tanging hiling nya lang Makita Sina sir Bongbong ,mam Eimee, at mam Irene at mam Imelda,” sabi ni Nanay Siony.

Sa ngayon ay umabot na ng 11,000 shares ang nasabing post na nakarating naman sa kampo nila BBM kaya’t agad nitong ipinatawag si Nanay Siony.


Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi ng kandidato ang mulang pagkikita nila ng dati nilang kasambahay.

Maliban sa kanilang pagkikita ay nagbigay pa ng supresa ang pamilya Marcos kay Nanay Siony.

“Nakakataba ng puso na muling makita ang isang taong napakalaki ang parte sa’yong kabataan.” ani BBM.

“Maraming salamat sa lahat ng nag-share, nag-mention, at nag-react hanggang sa makarating sa aming tanggapan ang post tungkol kay Nanay Siony. Sana ay nagustuhan niya ang munting pasorpresa namin ni Irene sa kanya.” dagdag niya pa.

Inaasahan na itatampok ni BBM sa kanilang vlog si Nanay Siony.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bongbong Marcos (@bongbongmarcos)

Ilang netizen naman ang pinuri si BBM at sinabi na ang paghahanap ni Nanay Siony sa dati niyang mga alaga ay isang patunay sa pakikitungo ng mga Marcos sa kanilang mga trabahante.

“The fact that the people who was been with them before still loves them speaks the kind of character the marcoses possess.” sabi ni @zayinita.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular