Home Uncategorized Bandang ‘Silent Sanctuary’, nakatikim ng ‘cancel’ mula sa mga Kakampink dahil sa kakanta sila para kay BBM-SARA

Bandang ‘Silent Sanctuary’, nakatikim ng ‘cancel’ mula sa mga Kakampink dahil sa kakanta sila para kay BBM-SARA

0

Nakatikim ang bandang ‘Silent Sanctuary’ ng bangis ng mga tagasuporta ni presidential candidate Vice President Leni Robredo o mas kilala bilang mga Kakampink.

Ito’y matapos ianunsyo ng grupo na kakanta sila para sa UniTeam Unity Concert na dadaluhan ni presidential candidate Bongbong Marcos Jr. at ka-tandem nito na si vice presidential bet Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Hindi man sinabi ng Silent Sanctuary kung saan sila kakanta ngunit ibinigay naman nila ang petsa at lugar ng kanilang pupuntahan.

“North peeps!!! Gusto nyo bang tumalon tumalon sa saya? Hahaha. Magkita kita tayong lahat sa Saint Vincent Ferrer Prayer Park sa Bayambang, Pangasinan on February 27, Sunday. Makisaya at maki-jam ulit samin! Let’s G!,” ayon sa grupo.

Ngunit nalaman ng ilang netizen na gaganapin din ang nasabing UniTeam Concert sa parehong lugar at petsa.

Ang nasabing concert ay dadaluhan ng iba pang performer at banda katulad ng Aegis at Avant Music.

Ilang fans naman ng Silent Sanctuary na miyembro din ng ‘Kakampink’ ang nagpakita ng pagkadismaya sa banda.

“Please lang po. Paki-inform naman ang followers niyo na political rally iyan at hindi lang basta free concert! Wag po sanang mambudol at wag magpapabudol!” sabi ng isang netizen.

Larawan mula sa comment section ng post ng Silent Sanctuary

“Hoy kadiri ka, Silent Sanctuary para kang si Marcos Magnanakaw hindi ka transparent na rally ni LBM yang jamming mo!” sabi ni Atty. Jesus Falcis.

Larawan mula sa comment section ng post ng Silent Sanctuary

“Listening to your music will never be the same anymore. I can’t do anything with my conscience, so l have to remove your songs in all of my playlist. It was a fun atmosphere with your music in it during hs and college. Thank you for that.” mensahe naman ng isa pang fan.

Larawan mula sa comment section ng post ng Silent Sanctuary

Wala pang opisyal na pahayag ang Silent Sanctuary tungkol sa pambabatikos ng ilang netizens mula sa kanila.

 

Facebook Comments