Friday, September 30, 2022
HomeCelebrities32-anyos na si Janine Gutierrez, inalala ang EDSA Uno: "Let's all spend...

32-anyos na si Janine Gutierrez, inalala ang EDSA Uno: “Let’s all spend some time reading about it”

Inalala ng aktres na si Janine Gutierrez ang EDSA People Power Revolution sa ika-36 nitong anibersaryo nitong Pebrero 25, 2021.

Sa kanyang tweet, hinimok ni Janine ang mga netizens na alalahanin ang nasabing malawakang pagtitipon noon na nagresulta sa pagtatapos ng administrasyong Marcos at umpisa naman ng pamumuno ni dating Pangulong Cory Aquino.

Ayon kay Janine ay dapat ay maglaan ng oras ang mga tao para basahin ang kasaysayan ng EDSA at kausapin din nila ang kanilang pamilya tungkol sa sakripsiyo diumano ng mga nakibahagi dito.

“On the 36th anniversary of the people power revolution, let’s all spend some time reading about it. Google it. Talk to your family about it. And if you know anyone who marched on the streets for our freedom, please say thank you. We promise to #NeverForget 🇵🇭 #EDSA36,” ani Janine.

Ikinatuwa naman ng mga followers ni Janine ang tweet ng aktres.

“Glad to hear the young value EDSA. EDSA was God’s triumph over evil. Rosaries, prayers & roses were our weapons against tanks and soldiers. Those days, God wud be the Filipinos first recourse. Today, they mock God & yet we just laugh. Nakakalungkot.” sabi ni netizen @lologabemman.

“I was there, and the spirit of EDSA continues to live in me. Thank you for speaking up and for courageously fighting against historical revisionism and lies. May God continue to bless and empower you!!!” komento naman ni @pauljoseph0677.

Ngunit hindi naiwasan ng ilan na kwestyunin si Janine kung bakit ito nagsasalita sa EDSA kahit na hindi pa naman ito pinapanganak noong nangyari ito.

Depensa naman ng isang netizen, hindi naman daw kailangan na ipinanganak si Janine sa panahon ng EDSA para alalahanin ito.

“may mga camera na non, documented, recorded, may mga witness at evidences. buhay na nanay namin kasi kelan lang yon. ikaw nung panahon ni magellan buhay ka na non? pano mo nasabing sinakop tayo ng espanyol at ni magellan? isip isip naman,” banat ni @dy_matin.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular