Friday, September 30, 2022
HomeUncategorizedYorme Isko Moreno, nangako na hindi iiwan sa ere si Doc Willie...

Yorme Isko Moreno, nangako na hindi iiwan sa ere si Doc Willie Ong

Nangako si presidential candidate Manila City Mayor Isko Moreno na hindi niya iiwan sa ere ang kanyang ka-tandem na si vice presidential bet Dr. Willie Ong.

Ito’y sa kahit na hindi isinama ni Moreno si Ong sa kanyang kampanya sa Mindanao kung saan ay pilit siyang itinatambal kay vice presidential candidate Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Ayon kay Moreno ay nirerespeto niya lamang ang gusto ng mga botante sa Mindanao.

Sinabi pa nito na nakakalungkot ang katotohanan dahil sa hindi naman maitutulad ang halalan ng Pilipinas sa Amerika kung saan ay bumoboto ang mga tao para sa tandem at hindi sa indibidwal na kandidato.

“Same thing ako (for me). Isko-Doc Willie. Period.” ani Isko “As a candidate hindi naman natin mapipigilang ‘yung choices [of voters], kasi hindi naman tayo two party system,”

“Nirerespeto natin yung choices ng taumbayan dahil karapatan nila yun,” dagdag pa niya.

Inulit din nito na ayaw niya lang mapahiya ang kanyang ka-tandem kaya’t hindi niya ito sinama sa kanyang kampanya sa Mindanao.

“Ayaw namin siya mapahiya. We don’t want to put my partner, if you are true to your partner, baka maalanganin ka lang. Kasi may iba silang preferred candidate. Which is sila naman ang nag-host, sila naman ang gumastos, sila naman ang tumulong,” paliwanag ng alkalde.

Matatandaan na inamin ni Ong na nasaktan siya sa naging desisyon ng kampo ni Moreno na iwanan siya sa Maynila.

READ MORE: Iniwan sa ere? Doc Willie Ong nasaktan dahil ipinapares si Isko sa ibang kandidato: “Tiis lang ako”

“Siyempre na-hurt ako. Masakit yun. Wala akong pera, wala akong pangalan… Sobra akong disadvantaged pero wala akong choice. Ang style ko is hindi naninira… Hindi maganda sa akin ang inis-inis.” ani Ong sa panayam sa kanya ng ABS-CBN.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular