Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesSa gitna ng kontrobersiya, Baron Geisler ipinakita ang kanyang leading lady sa...

Sa gitna ng kontrobersiya, Baron Geisler ipinakita ang kanyang leading lady sa VIVA na si Janelle Tee

Ibinahagi ng aktor na si Baron Geisler ang ilan sa mga larawan para sa kanyang bagong proyekto sa Vivamax Philippines na ‘Pusoy’ sa gitna ng kontrobersiya na kinakaharap nito.

Sa kanyang mga ibinahagi na larawan ay makikita ang posibleng maging leading lady ni Baron na si dating Miss Philippines Earth Janelle Tee.

Larawan mula kay Baron Geisler

Makikita rin sa isang larawan ang tila pakikipag-inuman ni Baron kasama ang ilan pang kasama niya sa pelikula.

Larawan mula sa Facebook post ni Baron Geisler

Matatandaan na nagviral sa social media ang mensahe ng asawa ni Baron na si Jamie Evangelista kung saan ay ibinuking nito na isang aktres ng viva na diumano’y niyayaya ang aktor sa inuman.

Sinabi pa ng asawa ni Baron na isang psychologist na hindi naman kailangan pa ng mga aktres ng viva na magwasak ng pamilya para sumikat.

“Booking a car for a married man to go drinking at your place ain’t cool.” ani Jamie sa kanyang Facebook post.

“I support and respect my husband’s craft, but I don’t tolerate such disrespect. So, let’s keep it professional.” dagdag niya pa.

Screencap ng Facebook post ni Jamie Evangelista

Nabanggit din sa comment section ni Jamie ang isang “Janelle” na maari ngang ang katambal ngayon ni Baron.

Screencap mula sa Facebook ni Jamie Evangelista

Kalaunan ay humingi naman ng tawad ang asawa ni Baron sa mga netizens at hiniling na sana’y wag ng sugurin pa ang nasabing aktres.

Wala pang pahayag ngayon si Baron, Janelle at ang Viva Talent Agency tungkol sa nasabing isyu.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular