Monday, October 3, 2022
HomeUncategorizedManny Pacquiao hiniling na dumalo si BBM sa susunod na debate: "Para...

Manny Pacquiao hiniling na dumalo si BBM sa susunod na debate: “Para hindi mapahiya ang mga supporters niya”

Hiniling ni presidential candidate Senador Manny Pacquiao na sana’y magkaharap na sila ng kanyang katunggali sa pagkapangulo na si dating senador Bongbong Marcos.

Sa panayam sa kanya, sinabi ni Pacquiao na sana’y isipin din ni BBM ang kanyang mga tagasuporta na diumano’y napapahiya kapag hindi siya dumadalo sa mga debate upang pag usapan sana ang mga magiging plano niya kung siya man ang mahalal ng taumbayan.

Ayon kasi kay Pacquiao ay kada hindi pumupunta si BBM sa debate ay inuulan ito ng batikos sa social media pati narin ang mga tagasuporta niya.

“Sana mag-attend siya (BBM) dahil para hindi mapahiya ang mga supporters niya.” ani Pacquiao “Syempre, kakantyawan ‘yung mga supporters niya, mag-attend siya. Sagutin lang naman ang mga tanong, wala namang problema dun ‘pag may tinanong ka, sagutin mo naman.”

“‘Yun ang kailangan doon, para hindi mapapahiya ‘yung mga supporters niya,” dagdag niya pa.

Matatandaan na ilang beses na hindi dumalo si Marcos sa mga debate at presidential forum na hawak ng mga major television networks.

Samantala ay dumalo naman si BBM sa debate ng Sonshine Media Network International (SMNI), habang si Pacquiao ay di dumalo dahil sa hidwaan nila ng pinuno ng nasabing media company na si Pastor Apollo Quiboloy.

Hindi pa sumasagot ang kampo ni BBM tungkol sa mga sinabi ni Pacquiao, ngunit ang mga tagasuporta ng dating senador ay nagbigay ng mensahe sa pambansang kamao.

“Hahaha ikaw pa talaga angsabi niyan ha. Bakit di kayo umattend dun sa SMNI un lang magandang debate e, labasan ng talino at pabilisan mag-isip,” sabi ng isang netizen.

“I want to remind your debate with Sen. Drilon in the senate. Learn how to humble Sen. Manny,” paalala naman ng isang netizen.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular