Wednesday, October 5, 2022
HomeUncategorizedSharon Cuneta, may mensahe kay Sen. De Lima: "We really miss you...

Sharon Cuneta, may mensahe kay Sen. De Lima: “We really miss you out here. We need you more out here”

Nanawagan si ‘megastar’ Sharon Cuneta sa gobyerno na sana’y mapalaya na nila si Sen. Leila De Lima na humaharap ngayon sa drug charges.

Matatandaan na limang taon ng nakakulong ang senadora sa loob ng Camp Crame dahil diumano sa pagkakasangkot nito sa mga iligal na aktibidad sa loob ng National Bilibid noong siya ay kalihim pa ng Department of Justice (DOJ).

Sa kanyang talumpati sa political rally ni presidential candidate Vice President Leni Robredo at asawa nitong si vice presidential candidate Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ay sinabi nito na sana’y tuluyan ng makalabas si De Lima na tumatakbo ngayon sa pagkasenador.

“We really miss you out here. We need you more out here. You can do so much more out here. And we keep praying that you be allowed out soon or that you are out, somehow by God’s grace and never-ending mercy,” ani Sharon sa kanyang talumpati sa Tarlac City.

Hindi rin nito nakalimutan na ibahagi ang paghanga niya at ng kanyang anak na si Frankie Pangilinan kay De Lima.

“We haven’t forgotten about you (De Lima). Frankie and I adore you and pray for you, and you are so courageous and inspiring and you should not be in there, I keep praying for you, Senator Leila and I hope to give you a big hug when I see you finally. Hopefully sooner than we all expect. Frankie and I love you. God Bless you po!” sabi pa ng aktres.

Wala pang tugon si De Lima tungkol sa mensahe sa kanya ni Sharon.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular