Wednesday, October 5, 2022
HomePoliticsManunulat, may mensahe sa mga Kakampink na namato ng flyer kay BBM:...

Manunulat, may mensahe sa mga Kakampink na namato ng flyer kay BBM: “Gawa kayo ng group na ‘BASTOS FOR LENI'”

Isang manunulat ang hindi nagustuhan ang ginawang pamamato diumano ng mga tagasuporta ni Vice President Leni Robredo sa kay dating senador Bongbong Marcos.

Si Robredo at Marcos ay magkatunggali ngayon sa halalan para sa pagkapangulo kaya naman hindi maiiwasan na magkainitan ang mga tagasuporta nila noong bumisita ang dating senador sa Bacolod.

Sa kanyang Facebook post, maanghang ang mga naging mensahe ni Manila Bulletin author Krizette Laureta Chu sa mga diumano’y umaapi kay BBM.

Naniniwala ang manunulat na mas pinapanigan ng mga botante ang mga diumano’y kinakawawa katulad ng ginagawa ng ilang netizens kay BBM.

“Thanks to our telenovela culture, the Filipino has always rooted for the underdog, the kawawa, the inaapi.” ani Chu.

“Kaya tapunan nyo pa si BBM nang kung ano ano. Saktan nyo pa. I boo nyo habang nagsasalita. Pag may caravan, harangan nyo pa tapos sigaw sigawan. I cancel niyo ang mga maliliit na negosyo na gusto lang naman sumuporta sa kandidato nila. Insultuhin nyo ang mga trabahador ng Jollibee, 7-11, atbp.”

“Insultuhin nyo lahat ng walang degree Kasi pag walang degree walang karapatan maging leader. Paalisin niyo pa sa simbahan. Sabihin nyo at tawagin nyong mga immoral.”

Ayon sa kanya darating ang ganti sa mga kritiko ni BBM sa darating na halalan.

Bago matapos ang kanyang post ay nagbigay pa ito ng mensahe sa mga ‘Kakampink’.

“In the meantime, gawa na rin kayo ng group na BASTOS FOR LENI. Yan, dapat yan yung umbrella group ninyo kasi kahit anong profession nyo pwede kayo dyan.” sabi ng manunulat.

Matatandaan na naging usap usapan sa social media ang pagbisita ni Marcos sa Bacolod dahil sa nakaharap nito ang ilang tagasuporta ni Robredo.

Ayon naman sa isang netizen ay mga bodyguard ni BBM ang nag umpisa ng gulo.

READ MORE: BBM, sapul sa mukha matapos maliparan ng flyers mula sa mga ‘Kakampink’: “He deserves it”

“We were exercising our right to free speech and were out of the way when Marcos Jrs’ bodyguards started pushing us to the side.” ani netizen Rachel Antoinette.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular