Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesIce Seguerra, handa na daw ipatanggal ang kanyang dibdib ala Jake Zyrus

Ice Seguerra, handa na daw ipatanggal ang kanyang dibdib ala Jake Zyrus

Ibinunyag ng asawa ni Ice Suguerra na si Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Liza Diño na kinokonsidera na ng singer at dating child star na sumunod sa yapak ni Jake Zyrus.

Matatandaan na nag-viral sa social media si Jake, o mas kilala noon bilang si Charice Pempengco matapos nitong ipakita ang kalahati ng kanyang katawan sa mga netizens matapos ang kanyang transition sa pagiging isang ‘transman’.

Ayon kay Liza ay balak daw ni Ice na magpatanggal ng kanyang dibdib at lalo pa daw lumakas ang loob ng singer ng makita ang magagandang mensahe na natanggap ni Jake mula sa mga netizens.

“We’re just looking for the right doctor para gawin ‘yun. Malay mo, this year. Baka na-inspire siya kay Jake and I know that he’s very happy for Jake,” ani Liza.

Binabalak din daw na magpalagay ng hormone ng lalaki si Ice para sa kanyang transition.

Paliwanag ni Liza ay kahit na tanggap na ng publiko ang pagkatao ni Ice ay tila hindi parin nakikita ng dating Eat Bulaga host ang kanyang pagiging lalaki.

“Kasi kahit ngayon na tanggap nating transman si Ice, ang tawag natin sa kaniya ay Ice, nirerespeto natin yung pronoun niya, pero siya, ‘yung gumising siya sa umaga, ‘yung physicality niya pa rin as a man, hindi pa rin niya nakikita,” sabi ng opisyal.

Umaasa naman si Liza na susuportahan ng mga netizens si Ice katulad ng ginawa nila kay Jake.

Matatandaan na naging kontrobersyal ang pag amin ni Jake tungkol sa kanyang tunay na pagkatao sa gitna ng kasikatan na natatanggap niya bilang ‘Charice’ sa buong mundo.

READ MORE: Jake Zyrus ibinahagi ang kanyang shirtless na selfie: “Masaya ako at gusto ko lang ipakita sa inyo na eto ako”

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular