Wednesday, October 5, 2022
HomePoliticsBBM, sapul sa mukha matapos maliparan ng flyers mula sa mga 'Kakampink':...

BBM, sapul sa mukha matapos maliparan ng flyers mula sa mga ‘Kakampink’: “He deserves it”

Usap usapan ngayon sa social media ang nangyaring pamamato diumano ng campaign flyer  kay presidential candidate Bongbong Marcos habang siya ay nasa isang caravan sa Bacolod.

Sa isang litrato mula sa BBM Media Bureau ay makikita si Marcos na natalsikan ng nasabing flyer sa mukha habang kaharap nito ang ilang tagasuporta ng kanyang katunggali na si presidential candidate at vice president Leni Robredo.

Larawan mula sa BBM Media Bureau

Ayon naman sa isang Kakampink na diumano’y nasa lugar ng insidente ay ang kampo daw ni BBM ang nanguna dahil sa itinutulak daw sila ng bodyguard ng dating senador.

Itinanggi din nila na hinagisan nila ng flyer si BBM ngunit “deserve” naman daw ito ng kandidato dahil sa dami daw ng ginawang masama ng pamilya nito sa Pilipinas.

“We were exercising our right to free speech and were out of the way when Marcos Jrs’ bodyguards started pushing us to the side.” kwento ni netizen Rachel Antoinette.

Facebook post mula kay Rachel Atoinette.

Ipinagtanggol din ng ilang netizens ang ginawang pamamato kay BBM at sinabi na bakit malakas pa ang loob nito na mangampanya sa Bacolod na diumano’y nakaranas ng masasamang pangyayari sa panahon ng administrasyong Marcos.

Pero may ilan namang mga tagasuporta si BBM na sinabi na sana’y nirespeto na lamang nila ang pangangampanya ng dating senador.

“Respito nman , kung may caravan ni bbm mag tago nlang sa bahay para d makita nyo kung gaano ka dami supporters ni bbm, mas ma hihighblood kau pag nakita nyo ang dami ng supporters ni bbm,” sabi ni Cheryl Necesario.

“Mga walang modo. Masyado nang desperado para gawin nyo yan sa kapwa nyo. Masahol pa sa d nkpag aral man lang. Reflection ng kandidatong pinaglalaban nyo ang lahat ng ginagawa nyo,” ani Jen Credo.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular