Friday, September 30, 2022
HomePoliticsPNP itinanggi na suportado nila si Robredo matapos kumalat ang larawan ni...

PNP itinanggi na suportado nila si Robredo matapos kumalat ang larawan ni Mark Manicad na nakasoot na pampulis

Tila hindi natuwa ang Philippine National Police (PNP) sa paggamit sa kanilang organisasyon para makakuha ng boto mula sa mga netizens.

Naglabas ng pahayag ang PNP matapos kumalat na larawan ng ‘Ang Probinsyano’ star na si Mark Manicad kung saan ay nakasoot ito ng uniporme ng kapulisan.

Makikita sa nasabing graphic art na kumakalat sa social media ay makikita ang larawan ni Manicad na nakasoot ng PNP uniform at katabi nito ay ang mensahe diumano nito na nagpapakita ng pagsuporta kay presidential candidate at vice president Leni Robredo.

“Si Leni ang Pangulo na bukas ang tenga at puso sa kahit ano man ang kulay na Pilipino. Pinoy ka, dapat mahal mo ang kapwa at bayan mo, kaya dapat si Leni,” ayon sa nasabing larawan.

Sa isang pahayag naman ay mariing itinanggi ng PNP na hindi sila maglalabas ng kahit anong pahayag na may kinalaman sa pagsuporta sa isang kandidato.

Hindi rin nila ikinatuwa ang paggamit sa kapulisan para sa ‘propaganda’.

“It has come to the attention of the Philippine National Police (PNP) that a photo of actor Marc Manicad, wearing a police uniform alongside a text content that expresses support to a presidential candidate, is now circulating in Social Media.” ayon sa pahayag ng PNP.

“The PNP has NOTHING TO DO WITH THIS. The PNP is not in the business of making any political statement nor meddling in campaign-related activities of certain candidates.” dagdag pa nila.
“We take offense in this unwarranted misrepresentation of the police organization for purposes of political mileage and propaganda. It is certainly most unfair and uncalled for especially that it may lead to confuse the general public.”
Ipinangako naman ng PNP na hindi sila mangingialam o papanig sa isang kandidato.
Sa ngayon ay ipinapabura na nila ang nasabing larawan sa social media.

Hindi naman daw nila palalampasin ang ginawa ng ilang grupo na gamitin ang PNP para sa kanilang kandidatura.

“We demand the owner of the concerned Facebook page to immediately TAKE DOWN this picture and issue a public apology without prejudice to any legal action that the PNP may take.” saad ng PNP.

“May this also serve as a stern warning to those who have the intention to malign the reputation of the PNP organization at the height of the election season. Rest assured that this incident won’t pass without holding those responsible accountable to their action.” dagdag pa nila.

Hindi pa malaman kung ano ang isasampang kaso ng PNP laban sa gumawa ng larawan.
Wala pang pahayag si Manicad tungkol dito.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular