Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesOgie Diaz, binatikos ang pagbabaklas ng mga tarpaulin ng Leni-Kiko: "Masusugatan pa...

Ogie Diaz, binatikos ang pagbabaklas ng mga tarpaulin ng Leni-Kiko: “Masusugatan pa kayo niyan!”

Pinuna ng talent manager na si Ogie Diaz ang diumano’y ginagawa ng ilang indibidwal na pagtatangal ng mga tarpaulin ni presidential candidate Leni Robredo at vice presidential candidate Kiko Pangilinan.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Ogie ang ilang video na kuha ni JeanHarry Condecido kung saan makikita ang ilang indibidwal na tinatanggal ang mga tarpaulin ng mga nasabing kandidato na nakasabit naman sa mga private properties.

Ayon naman sa talent manager ay hindi na magiging epektibo ang ginagawa ng mga nasabing indibidwal na pagtatanggal ng mga tarpaulin dahil sa alam na naman daw ng mga ‘Kakampink’ kung sino ang iboboto nila sa darating na halalan.

Nagsasayang lang diumano ng panahon ang mga ito at maari pa nilang ikasakit ang kanilang ginagawa.

“Tarpaulin lang yan. Nakaukit sa puso namin ang pink.

Masusugatan pa kayo niyan sa ginagawa nyong yan eh. Depende kung saan nyo gustong masugatan. Sa kanan o kaliwang braso.

Isa lamang si Ogie sa mga kilalang personalidad na nagpakita ng kanilang suporta kay Robredo at Pangilinan.

Ngunit kahit na madami ng artista ang sumusuporta sa nasabing tambalan ay tila malayo-layo pa ang kanilang kailangan ikampanya.

Pumapangalawa na sa ilang mga survey si Robredo at Pangilinan ngunit malayo ang agwat nila sa nangunguna sa survey na si dating senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular